44; Never see it coming

2.6K 56 4
                                    


Ibinaba ko ang suot na shades at tumingin ng masama sa kaharap. Prenteng nakaupo lang ito habang hawak sa kanang kamay nito ang isang basong juice.

"Did I told you not to talked to me in public?" Nagtitimping wika ko at pasimpleng tumingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang busy sa kaniya kaniyang pagkain ang mga tao.

"Why are you here, then? Pwede ka naman hindi pumunta." Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

Napairap ako. "So, what's news? Did she fall on your trap?" I asked.

Ngumisi lang siya at hindi ako sinagot. Pinagpatuloy niya ang pagkain niya kaya medyo nainis ako.

"My time is precious, Gil. Answer me. Did you make her fall in love with you?" Seryoso ngunit nagtitimping tanong ko. Iniwan ko ang sandamakmak na trabaho sa opisina para lang makipagkita sa kaniya tapos magbibingi-bingihan lang siya?

"Bakit ba gustong gusto mong mahulog ang loob ni Hailey sa'kin? May nagawa ba siyang kasalanan sa'yo?"

"I have no time for your cat's curiosity. Just answer my fucking question or baka naman," Nanliit ang mata ko. "Nahuhulog ka na sa babaeng 'yon?" dugtong ko pa.

Ngumisi na naman siya. "You know that I love you." Umirap ako sa sinabi niya. Tumawa siya pero agad din nagseryoso ang mukha.

"Give me an acceptable reason why are we doing this? Ano bang mapapala mo kapag nagawa ko iyong ipinag-uutos mo?"

Sumandal ako sa upuan and crossed my arms. I looked at him and smirked.

"You don't need to know. Unless, may nababanggit siya sa'yo."

"Meron." Seryosong wika niya. Ngumisi lang ako at patagong nagbigay ng puting envelope.

"Nandyan na lahat ng kailangan mo. Kung may sasabihin ka pwede mo naman akong tawagan hindi 'yung papupuntahin mo pa ako dito."

Tumiim ang bagang niya at tumitig sa akin ng ilang segundo. Napailing ako at tumayo na. Hindi ako pwedeng magtagal lalo na't kilala akong modelo. Tumalikod na ako at aalis na sana nang magsalita siya.

"I'm quitting."

Automatic na napapihit ako paharap sa kaniya. "What?"

"Ayoko na, Marie. Ayokong madamay sa gulo na pinasok mo kaya heto," May inilabas siyang bag na ipinagtaka ko kung para saan. "Ibinabalik ko na lahat ng pera na binigay mo pati na rin iyong patagong pagtulong mo sa Papa ko."

"Gilbert," Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ayaw na niya? Hihinto na siya? What the hell? Masisira ang plano ko! Kung kailan naman nakikita ko na ang resulta saka siya aayaw?

"The deal is deal, Gilbert Nepomuceno."

"I backed out."

"You can't, Gil." Ngayon pa na malapit ko ng maabot ang tagumpay sa plano ko? "I planned this, yeah, pero kasama ka sa plano ko so you have no choice but to finished what we've plan!"

"A deal is a deal. Once you agreed, there's no backing out." I said and walked away. Sinuot kong muli ang shades and drove out my car.

Pagdating ko sa Italian Restaurant sinalubong ako ng receptionist na ngiting-ngiti. Sinabi ko lang ang isang pangalan pagkatapos niya akong tanungin kung may reservation daw ako.

"This way, Madame." Tumango ako at sinundan siya. Papalapit pa lang ako sa isang table rinig na rinig ko na ang tawanan nila. Una akong nakita ni Daddy na nakaharap sa gawi ko.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon