Chapter 1: First Bite

11.2K 460 59
                                    

Claire's POV

Nandito ako ngayon nakasakay sa isang kotse na hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. Pagkatapos ilibing ng aking mga magulang ay sinundo ako ng sasakyang ito, and I don't know why! Oo wala na akong natitirang kamag-anak, kaibigan lang ng mga magulang ko ang sumagot ng pagpapalibing sa kanila.

Pagkatapos na pagkatapos ng libing ng mga magulang ko ay sinundo ako ng isang tao na hindi ko kilala, isa siyang matandang lalaki na napakapormal ng suot! Sinabi niya na binilin daw ako ng mga magulang ko sa kanya kapag namatay sila, alam na ba nila na mamamatay sila?

Nung una hindi ako naniwala na totoo ang sinasabi ng taong ito, pero sinabi ni Tita Janice, kaibigan ni mama, na kapag namatay daw sila mama at papa ay may susundo daw sakin at kailangan ko daw sumama dito at hindi ko alam kung bakit.

"Claire." Bumalik ako sa realidad pagkatapos kong marinig ang pangalan ko.

"Po?" I answered. Sumulyap ako sa kaniya para ipakitang nakikinig ako sa sasabihin niya.

"Alam ko maraming katanungang nabubuo diyan sa isip mo." Ika niya.

Umirap ako. Siyempre ikaw ba naman ang sunduin na hindi mo alam ang dahilan, hindi ka ba malilito? Lalo na't kakamatay lang ng mga magulang ko ay sinundo niya na agad ako! Ang gulo!

"Kapag nagtanong po ba ako, sasagutin niyo?"

"Hindi, dahil alam kong masasagot rin ang mga katanungang yan pagdating ng tamang panahon." Tamang panahon? Tss! Kailan pa?!

"Paano ang pag-aaral ko, sinabi ba ng mga magulang ko sayo kung magpapatuloy pa ako ng pag-aaral?" Tanong ko. Sana naman oo dahil gusto ko pang makapagtapos.

"Oo, magpapatuloy ka ng pag-aaral, pero sa iba ng unibersidad."

"Saan?" Kuryusong tanong ko. Tumingin siya sakin mula sa rearview mirror dahil nasa likod ako ng kotse.

"Maghintay ka lang." Huh?! Gusto ko mang tanungin kung saan kami pupunta, alam ko namang hindi niya ako sasagutin eh.

Binuksan ko ang katabi kong bintana at bumungad agad sa mukha ko ang napakasariwang hangin, ngayon ko lang napansin na dumidilim na pala at nandito kami ngayon sa isang...sa isang gubat?! Gubat?! Dito kami dumaan?! Hell! Hindi ko napansin kanina na dito pala kami dumaan!

"Bakit dito tayo dumaan?" Kunot-noong tanong ko. Baka naman kidnapper ang lalaking 'to ah!

"Ija, ito lang ang tanging daan papunta sa ating patutunguhan." Sagot niya. Saan ba kami pupunta?!

Dumaan ang ilang oras hanggang sa maggabi na. Huminto kami sa tapat ng isang nakakatakot na mansion. Napakadilim na mansion na may itim at napakataas na gate. I can even feel a bad aura around us! Nakakatakot!Ano ba itong lugar na ito?

"Dito ba ako titira?" Wala sa sariling tanong ko. Tumango ung matandang lalaki.  "Kasama kayo?"

Tumawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Hindi."

"Mag-isa lang ako?!" Gulat na ika ko. Nakakatakot dito hindi pwedeng mag-isa lang ako!

"Makikita mo kapag pumasok ka na sa loob ng mansiyong iyan." Bakit ba hindi na lang sagutin ang tanong ko eh.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa likod ng kotse. Marahan ko iyong inilabas at hihingi sana ng tulong sa matandang lalaki ngunit pagkalabas ko ng mga gamit ko ay sumakay na siya sa kotse niya at mukhang aalis na! Hindi pwede!

Kumatok ako sa bintana ng kotse at agad niya naman itong binuksan.

"Iiwan mo ko?!" Galit na tanong ko. Tumango siya. "But I don't know this place!"

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now