Chapter 18: Other Half

2.9K 193 7
                                    

Sorry for the late update...


Claire's POV

Nakaupo ako ngayon habang nakapatong ang mukha ko sa tuhod ko, malayo sa babae habang nandito pa kami sa kulungan nang palasyo. Naalala ko na ang lahat pero hindi ko pa 'to kayang tanggapin. Isa itong malaking bahagi nang pagkatao ko pero bakit parang ang hirap tanggapin?

Dahil ba sa mga kamag-anak kong pinagtangkaan akong patayin? O dahil iniwan ako nang taong pinakaimportante sa akin noon? Hindi ko alam. Sana hindi na lang ako napadpad dito, sana tao na lang ang kasama ko ngayon.

But still, I don't regret coming here tuwing naaalala ko ang mansiyong tinirhan ko nang mga nakaraang araw. Hindi ko inakala na mapapabilis lang pala ang pagtira ko dun. Kung alam ko lang edi sana mas nakisalamuha pa ako sa mga bampira nang mansyon na yun. I miss them. Really really miss them.

I bit my lower lip to stop myself from crying. Masakit pa rin sa akin ang katotohanang nalaman ko. Marami ring katanungan sa isip ko na hindi pa nasasagot. I really want to find answers to my questions. But how?

Marami akong katanungan gaya nang, bakit ako pinapapatay nang sarili kong kamag-anak? Bakit ako nakakapagpagaling gaya nang sinabi nung babae dahil sa pagkakaalam ko hindi nakakapagpagaling ang bampira, pero bakit ako, kaya ko? Bakit namatay si Daddy? Dito na ba ako habang buhay? O makakabalik pa ba ako sa Mansion of Vampires?

"Claire." Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Hindi ko pa rin inangat ang ulo ko. Masakit pa rin para sa akin ang pag-iwan niya sa akin kahit alam ko na ang dahilan.

Naramdaman kong lumalapit siya sa akin. Wala na akong maatrasan dahil ramdam ko na ang malamig na pader sa likod ko. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa tuhod ko. Hindi ko na napigilang iangat ang ulo ko.

Nagulat ako nang nakita ko ang masaganang pagdaloy nang luha niya sa mukha. Bakit siya umiiyak? Bakit ang sakit sa puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak?

Namalayan ko na lang ang sarili ko na pinupunasan ang luha niya at umiiyak na rin. Bakit ang hirap pigilan nang luha?!

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na pinangpupunas ko nang luha niya.

"I'm sorry, anak." Mas umiyak pa ako dahil sa sinabi niya. Anak? I miss her calling me that. Kahit galit ako sa kaniya masarap pa rin sa pakiramdam na matawag na anak nang sarili kong ina. I pouted.

"My real name is Eury." I said. Naalala ko na ang lahat kasama na rin doon ang totoong pangalan ko. 6 years old rin ako nang iniwan niya ako sa iba. At alam ko rin na tao na talaga ako pagkapanganak sa akin.

Hinawakan niya ang pisngi ko. I can feel warmth when she touch me. Tumango-tango siya.

"Yes, E-Eury, anak, I'm really really sorry." Ngumiti siya sa akin. Am I ready to forgive? Do I have to forgive? Can I forgive? I inhaled deeply. I guess I have to forgive her because she's still my mom and all the things she did was for my own sake.

I love my mom more than anything else. Kaya ganun kasakit sa akin nung iniwan niya ako. Hindi niyo ako masisisi dahil she's my beloved mom but she left me. It really hurts.

Pero mahal ko siya. At ngayon magkasama na kami. Hinding-hinding ko na siya iiwan. Kahit ilayo niya ako sa kaniya, I won't leave her! Hinding-hindi niya na ako pwedeng iwan, at hinding-hindi ko rin siya iiwan!

Wala na si Daddy and I still remember the last words that I heard from his mouth.

Bella, aalagaan ko kayo nang anak natin. Mahal na mahal ko kayo.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now