Chapter 3: Dream

5.5K 307 6
                                    


Claire's POV

Kung tao nga ang magiging kaklase ko, paano yun? Makikisalamuha rin sila sa mga bampira?

Lumabas na ako ng dining room at dumiretso pa-akyat sa hagdan pero bago pa ako makaakyat sa hagdan ay nakita ko ang mga bampira at may kung anong iniinom silang pulang likido na nakalagay sa glass, alam ko namang dugo yung iniinom nila, siyempre sino ba namang bampira ang hindi umiinom ng dugo. Umakyat na lang ako sa hagdan para maiwasan sila.

Habang umaakyat ako sa hagdan hinawakan ko yung parte ng leeg kong may kagat ng bampirang Dave na yun, nakakapagtaka kasi bakit hindi ako naging bampira? O kahit makaramdam man lang ng kakaiba? Ganoon kasi iyong mga napapanood ko.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko, tiningnan ko yung cellphone ko at nakitang gabing-gabi na pala, its already 10:00 pm. Dahan-dahan na akong humiga sa kama. Dahil hindi pa makatulog ay nagisip-isip muna ako, tungkol sa kung anong pwedeng mangyari sa akin sa loob ng mansiyong ito, hinahawakan ko rin yung kagat sa leeg ko dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtataka.

Sa lalim ng mga iniisip ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako kinaumagahan, lumabas agad ako ng kwarto para salubungin sila mama at papa, dahil sabado ngayon, wala akong pasok, highschool student palang ako, fourth year to be exact. Bumaba ako ng hagdan.

"Mama!" Niyakap ko si mama, nagluluto siya ng breakfast. Humarap siya sa akin.

"Oh? Ang aga mo naman nagising ngayon baby ko." Ngumiti ako.

"Excited na kasi akong pumasyal ngayon mama eh. Diba tuwing sabado pumapasyal tayo?" Biglang lumungkot ang itsura ni mama. "Bakit ma?" Ngumiti ulit siya, pero nakikita ko pa rin sa mata niya na malungkot pa rin siya.

"Hindi kasi tayo makakapasyal ngayon baby eh." Hindi ko alam, pero naramdaman ko na bumagsak ang mga balikat ko. "May pupuntahan kasi kami ng papa mo. Alam mo naman diba, your father and I are both scientist, at may importanteng bagay kaming kailangang gawin ngayon." Oo, scientist ang mga parents ko, pero ngayon lang ito nangyari, yung hindi kami papasyal sa araw ng sabado, ito lang kasi yung araw na makakapag-bonding kami eh kasi busy rin sila sa work nila. Niyakap ako ni mama.

"Mama, anong oras kayo aalis? Anong oras kayo babalik?" Magkasunod na tanong ko.

"Aalis kami mamayang 9 at hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi, pero alam kong baka gabihin kami." Niyakap ko ng mahigpit si mama, parang ayaw ko siyang paalisin. "Don't worry baby, tomorrow after natin mag-simba, we're going to the mall, okay?" Tumango ako habang nakangiti, atleast makakapagbonding pa rin kami bukas. Kumalas na ako sa pagakakayakap kay mama dahil baka masunog pa yung niluluto niya. Umupo na ako sa upuan sa tabi ng dining table. Apat lang naman ang upuan dito sa dining room namin, tatatlo lang kasi kami.

"Mama, anong ulam?" Tumawa ng mahina si mama, anong nakakatawa?

"Favorite mo." Favorite ko?! Ibig sabihin adobong manok?!

"Adobong manok?!" Masayang tanong ko. Tumango si mama habang nakatalikod sa akin, dahil nagluluto siya. Bigla ko naman naamoy yung bango ng niluluto ni mama. Bakit ngayon ko lang naamoy yun.

Luto na iyong ulam, naghain na si mama sa lamesa ng kanin at adobo, wow! Amoy palang ulam na, ang luto talaga ni mama ang pinakamasarap sa buong mundo!

Biglang bumaba si papa ng hagdan, at dumiretso dito.

"Ano yung naaamoy ko? Ang sarap naman!" Sabi ni papa habang nakapikit at parang may inaamoy. Hehehe, I guess I can say that we are already a happy family.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now