Chapter 4: School

5.1K 261 0
                                    


Claire's POV

"Dave?!" Napasigaw ako dahil sa gulat. Halatang tulog na tulog itong bampirang ito ah! Bakit naman siya natutulog dito sa kwarto ko?!

Kumuha ako ng unan at binato ko sa kaniya yun, takot ako sa kaniya pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil wala pang lalaking tumatabi sa aking matulog except sa papa ko!

Bigla siyang nagmulat ng mata! Napaatras naman ako dahil baka kung anong gawin niya.

"Bakit mo ako binato ng unan?" Tumingin siya sa akin at nakikita ko sa mga mata niya na galit siya.

"B-Bakit ka n-nandito sa kwarto ko?!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw sa galit. Wala siyang karapatang pumasok sa kwarto ko at humiga sa tabi ko!

"Natutulog ako." Kalamadong sagot niya pero hindi yun yung gusto kong marinig na sagot, obvious naman na nandito siya para matulog.

"Bakit dito sa kwarto ko?!" Alam ko sigaw na ako ng sigaw dito pero wala akong pakialam.

Bigla siyang lumapit sa akin! Nasa harap ko na siya ngayon, napakabilis niya! Nararamdaman ko na iyong hininga niya sa mukha ko! Baka kagatin niya ulit ako!

"Kasi gusto ko." Dinilaan niya ang itaas na labi niya, wala akong nagawa kundi lumunok, natatakot ako sa kaniya kasi baka kagatin niya ako anumang oras! Hinawi niya ang buhok ko na nakatakip sa leeg ko!

Sa oras na iyon talagang nanginginig na ako! Hinawakan niya ang leeg ko para itinagilid ang ulo ko! Hinawakan ko ang dibdib niya para itulak siya pero sobrang nanginginig na ang mga kamay ko kaya hindi ko man lang siya naitulak!

Mas lumapit siya sa leeg ko! Ngayong nakatagilid ang ulo ko at nakahawak pa rin ako sa dibdib niya, gusto ko siyang itulak pero hindi ko talaga magawa! Mas lumapit pa siya sa leeg ko at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na namula ang mga mata niya at lumabas ang pangil niya! Sa oras na iyon napapikit nalang ako at napakapit na talaga ako sa damit niya, pinaghalong galit at takot ang nararamdaman ko ngayon! Bakit pa kasi ako pinadala dito?!

Bumuka na ang bibig niya at alam kong kakagatin niya na ang leeg ko!

"Wag---" sisigaw na sana ako pero biglang bumukas yung pinto! Pero hindi pa rin umaalis sa harap ko si Dave!

"What are you doing, Dave?!" Alam ko kung kaninong boses yun kahit nakatalikod ako sa pinto. Si Miss Lea! Biglang gumaan yung pakiramdam ko. Pero...

"I can't resist the sweetness of your blood." Bulong sa akin ni Dave, at naramdaman ko na naman na dinilaan niya yung leeg ko! Tapos bigla na siyang lumayo.

I can't resist the sweetness of your blood.

I can't resist the sweetness of your blood.

I can't resist the sweetness of your blood.

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga salitang iyon, natulala ako, nakakatakot siya!

"Claire." Bigla akong bumalik sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Miss Lea. Nasa harap ko na siya at wala na si Dave dito sa kwarto ko. Matagal ba akong natulala? "Claire." Tinawag ulit ako ni Miss Lea.

"Po?" Nakatingin siya sa mga mata ko.

"Did he do something?" Umiling ako, wala naman talaga siyang ginawa eh. "Pawis na pawis ka, I guess natakot ka talaga sa kaniya." Napayuko ako at tumango, aaminin ko natakot talaga ako kanina.

"Miss Lea, ganun po ba talaga yung mga bampira natutulog kung saan-saan." Natawa ng mahina si Miss Lea. Umiling siya habang nakatingin sa akin.

"Actually, si Dave kasi ay nag-iisleep walking, simula bata pa siya, ganiyan na talaga siya, and I guess napunta siya dito because of the smell of your blood." Biglang nanlaki yung mata ko, sa amoy ng dugo ko?! Paano yun? Ibig sabihin may posibilidad na halos gabi-gabi siyang matutulog sa tabi ko! "Uhm, Claire, wag kang matakot, pagsasabihan ko siya." Baka nga hindi siya makinig eh. Tumango nalang ako pero may gusto akong itanong.

Love Bites: Mansion Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon