Chapter 16: Truth

3K 191 5
                                    

Author's Note: Thank you, thank you, thank you po sayo @roslyndelacruz dahil ine-encourage mo akong mag-update.

Thank you rin sa mga followers ko! Sa mga loyal readers ko! At sa mga readers ko!

Thank you mga ka-Bites!!!

Bakit ako nagtathank you? Wala lang, thankful lang talaga ako sa inyo:)!!!

If you also like, you can also read my new story, MY PERFECTIONIST HUSBAND. Sana basahin niyo rin po yan! Muah!

Enjoy Reading!!!

_________________________


Dave's POV

"Damn!" Bigla na lang nagsulputan sa harap ko ang mga kasamahan ko bago pa ako makalabas ng mansion. Hindi ba nila alam na nagmamadali ako?!

Lalagpasan ko na sana sila nang hinawakan ni Kris ang braso ko. I glared at him.

"Bitawan mo ako, Kris." Seryosong sabi ko. Pero hindi siya natinag kundi nagsalita pa siya.

"Calm yourself Dave." Utos niya. Paano ko papakalmahin ang sarili ko, kung isa ako sa may kasalanan kung bakit nasa delikadong sitwasyon ngayon si Human!

"Paano ko papakalmahin ang sarili ko?! Kung nasa delikadong sitwasyon ngayon si Human!" Sigaw ko. Marahas kong binawi ang braso ko sa kaniya at naglakad na pero pinigilan naman ako ngayon ni Tristan, kinuwelyuhan niya ako! Fuck! "Ano?!"

"Kumalma ka!" Bw*s*t na kalma yan! "Sa tingin mo ba maliligtas mo siya ngayon?! You don't have a plan! Sabihin mo, paano mo siya ililigtas ha?!" Sigaw niya sa akin. Ikinuyom ko ang kamao ko. Alam kong nagpapadalos-dalos na ako. Pero anong magagawa ko?! I'm worried!

Oo! Inaamin ko na na nag-aalala ako! Hindi dahil sa ako ang pumilit kay Human na maging pain kundi dahil nag-aalala ako sa kaligtasan niya! Ayoko siyang makitang nasasaktan!

"Bitawan mo ako, Tristan." Sinabi ko na punong-puno nang pagtitimpi. Hindi niya pa rin ako binibitawan kaya kinuwelyuhan ko na rin siya. "Sabing bitawan mo ako!" Ramdam kong lumalabas na ang pagkabampira ko dahil sa galit. Ramdam kong namumula na ang mata ko at lumalabas na rin ang pangil ko.

"Tama na yan!" Sigaw sa amin ni Miss Lea. Huminga ako ng malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko. Binitawan ko na ang kwelyo ni Tristan. "Ano ba kayo?! Nasa peligro na nga ang buhay ni Claire, nag-aaway pa kayo!" Napayuko kaming lahat dahil sa sigaw ni Miss Lea.

Aish! Ano nang gagawin ko?! Tama sila, hindi dapat ako padalos-dalos pero wala na talaga akong maisip na paraan!

Hindi masiyadong natatakot ang mga kasama ko ngayon dahil hindi nila alam ang totoong pagkatao ni Human. Tingnan lang natin kung anong magiging reaksiyon nila kapag nalaman nila ang totoo.

"Miss Lea, bakit hindi mo sabihin sa kanilang lahat kung ano ang totoong pagkatao ni Human?" Turo ko sa mga kasama ko.

"Anong ibig mong sabihin, Dave? Anong totoong pagkatao ni Ate Claire?" Tanong ni Tristan. Nakatingin lang ako kay Miss Lea. Huminga muna ng malalim si Miss Lea bago siya nagsalita.

"Claire is not an ordinary human." Napatingin ang lahat ng kasamahan ko kay Miss Lea. "She...She is a half-human and a half-vampire." Nanlaki ang mata nang mga kasamahan ko. Alam kong hindi rin nila inaasahan yun.

"At ang malala, she is connected to Bloody Tribe." Lumingon ako sa mga kasamahan ko. "And now, she is in danger." Seryosong sabi ko sa kanila. Nanlaki ang mata ni Tristan at kumuyom ang mga kamao niya. Hindi ko siya masisisi, napalapit rin siya kay Human.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now