Chapter 29: Vegetarian Vampire

2.2K 147 0
                                    

Eury's POV


Wala ako sa sariling bumalik sa kwarto ko. Everything is a mess in my mind. Ngayon alam ko na kung bakit si Frederick ang hari ngayon. Alam ko na kung kanino galit si Frederick. Alam ko na kung bakit si Mommy ang Crown Princess noon. Lahat ng sinabi sa akin ni Frederick ay purong kasinungalingan!


Napabalik ako sa realidad ng may naramdaman akong humawak sa braso ko. Nilingon ko si Dave na kunot-noong nakatingin sa akin ngayon.



"What happened?" He asked in a concerned tone. Napalunok ako. I need to lie to him. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang lahat ng nalaman ko.



I tried to smile but I failed kaya kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko.


"N-Nothing." Marahan kong binawi ang braso ko sa kamay niya at pumasok na ako sa kwarto ko.


Pagkapasok ko ay sinara ko kaagad ang pinto at napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ma-absorb ng utak ko ang lahat ng nalaman ko. Para kasing napakaimposibleng mangyari ng bagay na yon. Its really unbelievable.



Marahas akong humiga sa kama ko at nagtalakbong ng kumot. Bakit ganoon ang nangyari? Paano niya nagawa yun? Anong nagtulak sa kanyang gawin yun? Yan ang paulit-ulit na tanong na lumalabas sa isip ko dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin na hindi siya yung bampirang kayang gawin yun. Kahit hindi ko siya nakilala o naaalala parang napakaimposible niya pa ring gawin yun dahil parte siya ng pamilya namin. Everything is so complicated!


Hindi ko na namalayan ang sarili ko basta ang alam ko na lang ay nakatulog ako dahil sa pag-iisip. It was a tiring day! Ang dami kong nalaman!


____

Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Napatingin ako doon. Si Dave kaya yun? Sunod naman akong napatingin sa glass door ng veranda. Madilim na pala.



"Mahal na prinsesa?" Ah! Si Reina pala. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.


"What is it?" I said in a calm voice. Bakit kaya niya ako pinuntahan dito? Kanina pa kaya siya kumakatok? Bakit hindi na lang siya pumasok, hindi naman ako magagalit.



"Nakauwi na po ang Mahal na Hari at gusto niya po kayong makasabay kumain ngayong gabi." My left eyebrow unconsciously shot up. Andito na si Frederick? Ang akala ko ba bukas pa siya makakauwi?



Pagkarinig ko pa lang sa pangalan niya ay nag-iinit na ang dugo ko. But I need to suppress my anger! Siya pa rin ang hari at siya ang masusunod.



"Okay, pupunta na ako." Pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo na ako.



Napatingin ako sa damit ko at nanlaki ang mata ko. Aish! Hindi pala ako nakasuot ng gown! Napairap na lang ako sa kawalan at napahinga ng malalim. Kailangan ko munang magpalit or else sesermonan na naman ako ni Frederick.



Kumuha lang ako ng isang golden colored gown with swarovsky beads at sinuot ito. Nagsuot lang rin ako ng itim na heels at inilugay ko lang ang buhok ko. Pagkatapos ko mag-ayos ay dumiretso na kaagad ako sa Dining Room.



Pagkarating ko doon ay nakita ko si Frederick na nakaupo sa kabisera. Tumikhim muna ako bago naglakad papalapit sa mesa at umupo sa tabi ni Frederick.



Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain sa mesa at napangiwi na lang ako dahil sa dami nito. Bakit sobrang daming pagkain kahit kami lang naman ni Frederick ang kakain?


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now