Chapter 7: Blush

4.5K 265 8
                                    


Claire's POV

"Wah! Ang bigat mong bampira ka!"

Nakaakbay ako ngayon kay Dave, ang bigat naman nito! Bwiset!

Inihiga ko siya sa sofa sa tapat ng kama ko. Hay! Kailan kaya ako makakalabas dito sa ospital. Nakatingin ako kay Dave ngayon, tch, bakit kaya siya nahimatay?

Naglakad ako papalapit sa kama ko at umupo. Sumasakit na naman yung ulo ko! Nasaan na ba kasi yung nurse? Bakit naman biglang tumakbo yun?

Oh my ghad! Hinawakan ko yung labi ko, oh no! Ang first kiss ko, napunta lang sa isang BAMPIRA! Bakit naman kasi niya ako hinalikan?!

Binigyan ko ng nakamamatay na tingin yung bampira, as if naman na makikita niya ako, eh tulog nga!

Humiga na ako sa kama.

"Mama, Papa, miss ko na po kayo." Bulong ko sa kawalan. Miss na miss ko na sila.

Hinawakan ko yung mukha ko, tumulo na naman ang luha ko. Bakit ba kasi nila ako iniwan? Mama, Papa, tinakpan ko ng unan yung mukha ko, hindi ko na talaga mapigilang umiyak.

"Hmmm..." tinakpan ko yung mata ko gamit ang braso ko dahil sa sinag ng araw.

Araw? Wait, umaga na! Pero paano? Nakatulog pala ako kagabi habang umiiyak. Hay! Umupo na lang ako at nag-inat ng braso.

"Asan na yun?" Wala na sa sofa si Dave, saan naman kaya pumunta yung bampirang yun?

"Aw." Daing ko. Ang sakit na naman ng ulo ko, pero buti na lang hindi na kagaya ng kahapon.

Tatayo sana ako para pumunta ng CR nung pumasok yung nurse. Siya rin yung nurse kahapon.

"Ayos na po ba ang pakiramdam niyo Miss Bautista?" Tanong nung nurse.

Tumango ako, gusto ko na rin kasing umuwi. Pero nasaan kasi yung bampirang yun?

Iniwan niya kaya ako?! Paano ako makakauwi kung iniwan niya ako?! Aish! Tanungin ko na lang kaya yung nurse?

"Uhmm, nakit niyo po ba yu---"

"Ate Claire!"

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Tristan! Tristan?! Bakit siya nandito? Pero buti na lang siya ang nandito, mas kumportable ako kapag siya ang kasama ko eh.

"Tristan!" Bigla niya akong niyakap, isip bata talaga. Umiling na lang ako dahil sa naisip ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Ate Claire?" Tumango ako bilang sagot, ayos naman na yung pakiramdam ko eh.

"Pwede na po kayong madischarge kung ayos na po talaga yung pakiramdam niyo." Sabi nung nurse at lumabas na, salamat naman at pwede na ako lumabas.

Kami nalang dalawa ang nandito ni Tristan sa kwarto.

"Uhhh~ nasaan na pala s-si D-Dave?" Aish! Bakit ko pa ba yan tinanong?!

"Ah si Dave, umuwi na siya, siya nga yung nagsabi sa akin na pumunta dito eh." Ahhh, kaya pala wala na siya pagkagising ko.

"Uhhmm, bakit pala siya yung nagbantay sa akin?" Alam ko naman na yung sagot dun pero gusto ko pa din itanong.

"Siya kasi yung pinagbantay ni Miss Lea, kasi siya daw yung may kasalanan kung bakit ka nabully." Oo nga naman, hindi ko pa rin pala siya napapatawad dahil dun.

Naglabas si Tristan ng lunchbox galing dun sa paper bag na dala niya. Inabot niya sa akin yung lunchbox.

"Ate Claire oh." Kinuha ko nalang yung lunchbox kasi gutom na rin naman talaga ako, hindi ako naglunch kahapon, hindi rin ako nagdinner kaya siyempre gutom na gutom na ako.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now