Chapter 2: Dinner

6.8K 331 9
                                    

Claire's POV

Bampira silang lahat?!

Papalapit sila ng papalapit sa akin. Nakakatakot rin ang mga itsura nila! Pare-pareho nilang dinidilaan ang mga labi nila na parang handa ng sakmalin ang kakainin nila, in short talagang nakakatakot sila!

"Magsitigil kayo!" Sigaw ng isang matandang babae.

Napalingon kaming lahat sa babaeng iyon na nasa itaas ng hagdan. Nagulat ako nang pare-parehong umatras papalayo sa akin ang mga bampira. Sino ba yung matandang babae? Is she their queen like what I see in the vampire movies that I'm watching?

Lumapit sa akin ung matandang babae, hindi ko alam kung bampira rin ba siya o tao kagaya ko.

"She is our guest." Sabi nung matandang babae habang nakaturo yung kamay niya sa akin. What did she say? Bisita nila ako?!

"Guest?!" Sabi nung tinatawag nilang Dave. Ngayon ko lang napansin ung itsura niya. Blonde ang buhok niya na may pagkamessy, maputi siya at mapula ang labi. Well, ano pa bang iisipin ko, bampira nga siya.

"Yes, she is our guest. An important guest, so treat her good." Utos noong matandang babae. Important guest nila ako?! Hindi ko maintindihan, bakit ba ako pinadala ng mga parents ko dito?

Lumapit sa akin ung bampirang nakasalamin, may itim siyang buhok, maputi rin siya at mapupula ang labi, napaatras ako dahil sa takot.

"Don't be scared." Seryosong sabi niya. Huh?! Paano ako hindi matatakot? Mga bampira kayo eh! Nilabas niya iyong kamay niya mula sa bulsa niya at inilahad iyon sa akin para makipagkamay. "Nice to meet you. I'm Kris." Seryoso pa ring sabi niya pero hindi ko inabot yung kamay niya. Anong magagawa ko? Natatakot pa rin ako eh.

Kinuha nung matandang babae yung kamay ko at inabot yun kay Kris. Feeling ko nanginig yung kamay ko pagkalapat pa lang noon sa kamay niya. Pagkahawak ko ng kamay niya, naramdaman ko agad ang lamig nito, para siyang PATAY! Tinanggal ko agad ang kamay ko dahil sa takot. Sunod namang lumapit sa akin ay iyong lalaking may hawak ng Teddy Bear.

"Hello, I'm Tristan!" Hindi seryoso ang boses niya. Nagwave rin siya ng kamay niya sa harap ko at nakangiti siya. May kulay purple siyang buhok, maputi rin siya at may mapulang labi. "Takot ka rin ba sa akin?" Mahinahong tanong niya. "Huwag kang matakot, hindi kita kakagatin, promise." Ngayon mas natakot ako nung sinabi niya yung salitang 'kakagatin'! Hindi ko inakala na titira ako dito kasama ng mga bampira!

At mas hindi ko inakala na may bampira pala sa mundo! I didn't know that they exist! I didn't expect this coming!

Lumapit naman sa akin yung lalaking muntik na akong kagatin kanina. Mayroon siyang brown na buhok, maputi rin siya at may mapulang labi pero pula pa rin yung mata niya at nakalabas pa rin ang pangil niya! Nakakatakot siya!

"I'm Mark." Inabot niya ang kamay niya sa akin habang nakangisi! Sa tingin ko ay nanginginig na ang buong katawan ko ngayon! Hindi ko inabot ang kamay niya kaya binaba niya na lang iyon. "I know your scared." Tapos tumawa siya ng sarkastiko. Nakakatakot rin yung tawa niya hanggang sa tumalikod na siya. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Lumapit naman sa akin yung lalaking kumagat sa akin, hindi ko alam pero parang tumaas lahat ng balahibo ko noong lumapit siya sa akin! Nakangiti siya. Napakalaki ng ngiti niya pero bigla yung napalitan ng ngisi!

"I'm Dave." Inabot niya rin yung kamay niya sa akin. Tumingin ako doon sa matandang babae na nasa tabi ko, parang sinasabi ng mata niya na abutin ko daw yung kamay noong Dave kaya inabot ko iyong kamay niya habang nanginginig pa rin iyong kamay ko.

Love Bites: Mansion Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon