Chapter 9: Kissmarks

4.1K 231 4
                                    


Claire's POV

"Wah! Nakakainis!" Humiga na lang ako sa kama ko, bakit ba kasi hindi ko mahanap kung anong lenggwahe ang ginamit dito!

Binuklat ko ulit yung libro. Nakakapagtaka lang kasi bakit parehas na parehas yung mga ginamit na salita sa libro at sa mga nakaukit sa dingding nitong mansion. Hay!

Teka! Hindi kaya lenggwahe ito ng mga bampira? Pero tagalog naman ang salita nila eh. Baka maiintindihan nila 'to? Binuklat ko ulit yung libro.

"Andami-dami ngang nakadrawing, hindi naman maintindihan, parang abstract!" Hay! Bakit ba gustong-gusto kong malaman kung ano ang bloody tribe?

Sino kayang tatanungin ko? Si Tristan na lang kaya? Eh, para namang walang alam yun dito eh. Si Mark? Baka sigawan lang ako ulit, di pa naman kami close. Si Kris? Pwede, kaso napakaseryoso nun eh, baka magalit lang sa akin. Si Dave? Huwag na! Baka kagatin lang ako ulit.

"Hay!" Napabuntong hininga na lang ako.

Tumayo na ako sa kama, boring naman kasi dito sa kwarto eh. Walang magawa. Lalabas muna ako. Tinago ko yung libro sa ilalim ng unan ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Ang tahimik naman. Medyo nasasanay na rin akong tumira dito sa mansion kasama ng mga bampira. Actually, hindi naman sila nakakatakot masyado, nakakatakot lang sila kapag natatakam sila sa dugo ko. Lalo na yung Dave na yun!

Hindi pa pala niya sinasagot yung tanong ko, kung bakit niya ako hinalikan? Ano bang problema ng bampirang yun?

Bumaba na ako ng hagdan, at naglakad-lakad dito sa baba.

"Saan ko na nga pala nakita si Dave na lumabas kanina?" May nilabasan kasi siyang pinto kanina nung nakita niya akong pababa ng hagdan.

Naglakad lakad ako, hanggang sa may nakita akong pinto.

"Dito ba siya galing?" Tinignan ko yung pintong nasa harap ko. "Do not enter!" Basa ko sa karatulang nakadikit sa pinto.

Posible kayang dito siya nanggaling. Wala naman sigurong masama kung titignan ko yung loob diba?

Bubuksan ko na sana yung pinto ng may magsalita sa likod ko.

"What are you doing here?" Tumingin agad ako sa likod ko dahil sa gulat. At siya lang pala.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Ano na namang problema nito? Ngayon ko lang napansin na ang lapit pala namin sa isa't-isa.

Bakit parang lalagnatin ata ako. Bigla namang pumasok sa utak ko yung halik niya sa akin! Aish! Ano bang iniisip ko?! Palapit na naman ng palapit yung mukha niya sa akin! Napasandal na ako dun sa pintong nasa likod ko.

Huminto siya sa paglapit sa mukha ko nung halos magdikitan na ang mga ilong namin! Bakit hindi ko siya tinutulak?!

"Huwag na huwag ka ng pupunta dito. Naiintindihan mo?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Tinulak ko siya palayo sa akin. Buti na lang hindi siya mahirap itulak ngayon.

"Ano bang problema mo?! Pwede ba Dave?! Mind-Your-Own-Business!" Sigaw ko sa kaniya. Bakit niya ba ako pinapakilaman?!

"So hindi ka makikinig sa akin?" Umiling ako. Bakit naman ako makikinig sa kaniya? Tatalikuran ko na sana siya para buksan yung pinto na nasa likod ko nung binuhat niya ako!

"What the?! Dave?!" Walang hiya! Bakit niya naman ako binuhat?! Pinalo palo ko yung likod niya. Buhat buhat niya ako ngayon na parang sako. Kahit kailan?! "Sabing ibaba mo ako eh! Nakakainis ka!" Paakyat na kami ngayon sa hagdan, saan naman ako dadalhin nitong bampirang to?!

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now