Chapter 6: Kissed

4.6K 276 1
                                    


Claire's POV

"Urrrgghhnn..." Ungol ko at napahawak sa sumasakit na ulo ko.

Hinawakan ko ito at mahina akong napamura nang mahawakang may benda na nakapalibot dito!

Minulat ko yung mata ko. Asan ako? Puro puti, Nasa hospital ba ako?! Pero paano?!

Ang last thing na naaalala ko ay pinukpok ako ni Bea sa ulo ng kahoy tapos nawalan ata ako ng malay, pero paano ako napunta dito?

Umupo muna ako, ouch! Ang sakit talaga ng ulo ko at may benda pa! Sino namang nagdala sa akin dito sa hospital?

Tatayo na sana ako nung may biglang pumasok na nurse.

"Miss Bautista, kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Kilala niya ako? Ibig sabihin kilala ako nung nagdala sa akin dito, si Tristan kaya?

"Uhhmm, ayos na po yung pakiramdam ko. Sino po palang nagdala sa akin dito?"

Pagkatanong ko ay may pumasok na lalaki...

Teka,

"D-Dave?!" Gulat na sigaw ko nang makita ang itsura ng lalaki! Bakit siya nandito?!

"Hi!" What?! Siya ba ang nagdala sa akin dito?! No way!

Nagpapacute pa talaga yung nurse sa kaniya, ah!

"Kamusta na ang pakiramdam niya?" Tanong ni Dave sa nurse.

"Ahh a-ayos n-na po siya, pero kailangan pa po n-namin i-check yung sugat niya mamaya, S-Sir Dave." Natamaan na ata 'tong nurse.

"Okay. Pwede ka nang umalis." Sabi ni Dave dun sa nurse.

Bago umalis yung nurse ay ngumiti muna siya kay Dave. Teka anong oras na ba?

Tiningnan ko yung wall clock sa tapat nang kama ko. Hala! 10:00 na ng gabi!!!

Nagulat na lang ako kasi umupo sa tabi ko si Dave! Ano na namang gagawin nito? Tumingin lang ako sa kaniya at hindi nagsalita. Pero diba dapat pag mga ganitong oras umiinom na ito ng dugo?

Wait, bakit pala siya ang nandito?!

"B-Bakit ikaw ang andito?" Tanong ko sa kaniya. Umatras ako ng konti, nakakatakot kasing tumabi sa bampirang kumagat sayo. Pero di ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya kanina.

"Ha? What do you mean?"

"Bakit ikaw ang andito? B-bakit ikaw ang nagbabantay sa akin dito? Dahil ba narealize mo na ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa akin?"

"Woah! Easy ang dami mong tanong ah. First of all, anong narealize na ako ang may kasalanan, hindi ako ang may kasalanan nito noh, hindi ko kasalanan na nabully ka nung Bea na yun."

"Paano mo nalaman na binully niya ako?" Tanong ko sa kaniya, huwag niya sabihing kasama siya sa plano nila, nanlaki yung mata ko sa naisip ko.

"Bat nanlalaki mata mo? Ano nanamang iniisip mo? Nalaman ko na binully ka nila kasi may nagsumbong sa aming mga estudyante, na yung GIRLFRIEND ko daw ay binubully sa loob ng CR." Girlfriend?!

"Anong girlfriend?! Paano naman nila nasabing girlfriend mo ako?!"

"Ewan, siguro nakita nila yung nakaakbay ako sayo, magpasalamat ka na lang na natawag kang girlfriend ko." Wow?! Kapal!!!

Kumuha ako ng unan at ibabato ko sana sa kaniya yun pero hinawakan niya yung pulsuhan ko, para pigilan ako. Hinila ko na lang yung kamay ko.

"Pero bakit nga ikaw ang a-andito? Hindi na lang si Tristan, m-mas komportable akong kasama siya." Hay! Takot pa rin talaga ako sa kaniya.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now