Chapter 28: History

2.2K 146 0
                                    


Eury's POV

Pinilit kong ipikit ang mata ko ng inilalapag ako ni Dave sa isang malambot na higaan. I guess this is my bed.

If your going to ask me how sure am I that the knight who carried me is Dave? I'm perfectly sure that he is Dave.

Siya lang ang nakakapagparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. And most of all his dark brown eyes can't escape my eyes. Pamilyar na pamilyar ako sa mata niya at alam kong siya nga si Dave.

Nakarinig ako ng pagtikhim kaya pasimple kong iminulat ang mga ata ko. Pero bago ko pa maimulat ang mga mata ko ay naramdaman kong lumubog ang parte ng kamang nasa tabi ko. Sinong umupo sa tabi ko? Dumating na ba yung doktor na magtitingin sa akin?

I almost flinched when I felt someone's hand carresed my cheeks. Sino naman ang humahawak sa akin?! Don't tell me may manyak na nakapasok sa kwarto ko? Or is it Dave?

"I know your awake." Napalunok ako ng marinig ko ang boses ni Dave. So andito nga siya. Pero bakit parang nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong siya yung humahawak sa pisngi ko? At bakit parang bumilis yung tibok ng puso ko?! Anong nangyayari sa akin?!

Hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko. Kailangan kong ipagpatuloy ang pag-arte kong nahimatay ako or else baka isipin niya na sinadya kong isiksik yung mukha ko sa leeg niya kanina! Well, sinadya ko naman talaga.

"Why did you act like that, earlier?" He asked. Hindi ko pa rin iminumulat ang mata ko. Sasagutin ko na ba yung tanong niya? Aish! Bakit ko ba kasi siniksik yung mukha ko sa leeg niya kanina?! Tsaka bakit niya ba kasi tinatanong kung bakit ako umarteng hindi makahinga kanina? "Eury." Tawag niya sa akin sa isang mariin na tono. Gigising na ba ako? Aish! Ang bilis na ng tibok ng puso ko!

Imumulat ko na sana yung mata ko pero bigla ko na lang naramdaman na tumayo na siya at bumukas yung pinto ng kwarto ko. Andito na kaya yung Doctor? Sana andito na! Pero bakit nga pala andito si Dave? Don't tell me, isa na siya sa mga kawal namin?!

Napalunok ako ng may naramdaman ulit akong naupo sa tabi ng higaan ko. Yung doktor na kaya namin yun? Paano kapag sinabi niyang wala namang problema sa akin?

"Is she okay?" Narinig kong tanong ni Frederick. So andito rin pala siya? Hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig na pag-aalala sa tono ng boses niya. Hindi ba siya nag-aalala sa akin? O baka naman alam niyang acting lang ang lahat?!

Naramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko. Sa tingin ko chinecheck na nung doktor yung heartbeat ko. Hala! Ramdam ko pa rin yung bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon!

"Fast heartbeat? Pale face? And difficulty in breathing? Siguro mayroon lang siyang heart disease pero hindi pa naman malala. Don't worry, I'll gave her medications." Nakapikit parin ako habang naririnig kong nagsasalita yung doctor. Hindi naman totoo yung sinasabi niya eh. Mabilis lang yung tibok ng puso ko dahil kay Dave! Heart disease agad?!

Hindi ko na alam kung ano pang pinag-usapan nila dahil lumabas na sila pagkatapos akong icheck nung doctor. Unti-unti ko na ring iminulat ang mga mata ko. Nang nakita kong wala ng bampira dito sa loob ng kwarto ko ay tumayo na ako. Hay! Ang hirap mag-acting!

Didiretso na sana ako sa walk-in closet ko para magpalit dahil pakiramdam ko nasa katawan ko pa rin yung mga duming nalaglag sa akin kanina nang nakita kong may pumihit sa doorknob ng pinto ng kwarto ko.

Dali-dali ulit akong humiga sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko. Kasabay ng pagpikit ko sa mga mata ko ay ang pagbukas ng pinto. Napalunok ako dahil sa kaba.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now