Chapter 20: Princess

2.8K 160 5
                                    

Claire's/Eury's POV

Why can't I remember anything? Bakit wala akong maalala? Hindi rin ako pamilyar dito sa palasyo. Bakit wala akong nakikilala? At bakit tuwing nandito ako nakakaramdam ako nang kakaibang sakit sa dibdib?

Nakakaubos ako ng dalawampung baso nang dugo ng tao sa isang araw. Ang alam ko lang sa sarili ko ay uhaw ako sa dugo nang tao.

Ni hindi ko nga kilala ang sarili ko. Hindi ko rin alam ang pangalan ko kung hindi lang sinabi sa akin ng pinsan ko daw o ang hari ng Bloody Tribe.

Yes, my cousin said that I am part of Bloody Tribe and drinking human blood is our living. Hindi rin ako pinapayagang lumabas ng bayan namin. Lagi ring may nakasunod sa aking kawal. I can't understand why.

"Mahal na prinsesa, hindi pa po ba kayo lalabas? Pinapatawag na po kayo ni Kamahalan." Tanong ni Reina. She's one of the maids here in the palace, siya rin ang pinakamalapit sa akin dito that's why I don't treat her like a maid.

And yes, I am a princess, a vampire princess, since my cousin is a king that means I'm a princess.

"Mahal na prinsesa." Tawag niya ulit sa akin. Ramdam kong pumasok na siya sa kwarto ko.

Nakabalot pa ang buong katawan ko sa kumot. I don't want to wake up yet. Inaantok pa ako kaya hindi pa ako nagmumulat ng mata. Kunwari tulog pa ako.

Naramdaman ko na binuksan niya na ang kurtina kaya ramdam ko rin ang sinag ng araw sa braso ko.

"Mahal na prinsesa, gising na po." Hinila niya pababa ang kumot ko kaya napamulat ang mga mata ko. Nakakainis naman! Inaantok pa ako!

"Reina, pakisabi na lang kay Frederick, inaantok pa ako." Kinunot ko ang noo ko at pinikit ko ulit ang mata ko.

"Mahal na prinsesa, hindi po pwede. Sinabi po ni Kamahalan na kailangan ko daw po kayong gisingin ngayon nang maaga para masamahan daw po niya kayong maglibot sa bayan dahil marami pa daw po siyang gagawin mamaya." Hindi ko pa rin iminumulat ang mata ko. Kahit gusto kong samahan ako ng pinsan ko na maglibot kung inaantok pa ako hindi pa ako gigising!

"Inaantok pa ako." A said, lazily.

"Mahal na prinsesa naman, mapaparusahan ako nito eh." Aniya sa nagtagampong tono. Niyugyog niya pa ang balikat ko ng marahan para magising ako.

"Ano ba?!" Sabay hawi ko sa kamay niyang yumuyugyog sa balikat ko. Huminga ako nang malalim at iminulat ko na ang mata ko. I glared at Reina. She just smiled widely to me. I rolled my eyes dahil sa sobrang laki nang ngiti niya. Ano? Masaya siya dahil nagising niya na ako?

Umupo na ako sa kama ko at nagunat nang katawan. I look at the window in front of me. Ganun pa rin ang nakikita ko, puno. Kailan ba ako makakalabas dito sa bayan namin? I want to see what's outside our village.

"Nakahanda na po ang pangligo niyo, mahal na prinsesa." Sabi ni Reina nang may kasamang malaking ngiti. I smiled back at tumango na.

Hindi ko siya masisisi kung bakit hindi niya ako tinigilan hanggang sa magising ako. Sa mga araw na nakatira ako dito, nakita ko kung paano itrato ng pinsan ko ang mga tao dito sa palasyo. He treated them harshly, kaya nga minsan pingtatanggol ko sila pero hindi ko pa rin mapipigilan ang pinsan ko dahil siya ang hari at prinsesa lang ako.

"Maliligo na ako. Ihanda mo na rin ang susuotin ko." Utos ko kay Reina at pumasok na ako sa banyo para makaligo.

Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi ko dito, ngayon pa lang ako sasamahan ng hari sa paglilibot dito sa bayan namin. At sa loob ng tatlong araw na yun, wala pa rin akong naalala. Bakit ba kasi wala akong maalala?

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now