Chapter 23: Loyal

2.4K 169 3
                                    


Eury's POV

Nilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng room na pinasukan ko. Madilim dito kaya nung may nakita akong kandila at posporo sa may katabing lamesa ng pinto ay sinindihan ko 'to agad.

Pagkatapos kong marinig ang lahat ng sinabi ni Frederick ay mas nagulo ang utak ko. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Can I trust him? Or can I trust anyone here? Sana wala silang tinatago sa akin. Sana hindi tama ang iniisip ko na may sinisikreto sila sa akin.

Hawak-hawak ko yung kandila habang nililibot ko itong room. Maraming nakalagay dito na kung-ano-ano gaya ng mga libro na punong-puno na nang alikabok, mayroon ring mga paintings at mga lumang kagamitan.

Naningkit ang mata ko nang may nakita akong nag-iisang libro na walang alikabok. Tiningnan ko yung ibang libro at lahat ito ay may alikabok pero itong librong nasa harap ko ay wala. Bakit kaya?

Hahawakan ko na sana yung libro ng may narinig akong kalabog sa labas kaya dali-dali akong sumilip sa butas ng pinto at nakita ko yung kawal na pamilyar sa akin, buhat-buhat niya yung painting na sinipa-sipa ni Frederick. Itatapon niya ba yun?

Muntik na akong mapatalon ng narinig kong nagsara na ulit yung dingding. Kumunot ang noo ko. Ano ba yung nasa painting na yun? Picture ba ng Tita ni Frederick na kinasusuklaman niya? Hindi naman siguro si Mommy yun, diba?

I inhaled deeply at unti-unti kong binuksan yung pinto na nasa harap ko. Sinilip ko muna sa siwang ng pinto kung may bampira ba sa labas and fortunately! Wala!

Dahan-dahan lang ang paglalakad ko at tinitingnan ko rin yung mga paintings. Isa kaya diyan ang imahe ng mga magulang ko? Pwede ko bang tanungin ang pinsan ko kung sino ang mga nasa painting na 'to? Pero iniiwasan nga pala nila akong makapasok dito kaya kapag tinanong ko yun, malalaman nila na nakapasok na ako dito.

Nang makaharap ako sa dingding na bumubukas ay dun ko lang napagtanto na hindi ko pala alam kung paano ito bubukas! Hala! Paano yan?! Luminga-linga ako sa paligid at may nakita akong nakaukit sa dingding na nasa harap ko. Eh? Naningkit ang mata ko. Alam ko ang lenggwaheng ito. This is the language that vampires use, and only vampire can understand. Vampire Language.

"Revival of Blood." Basa ko sa nakaukit sa dingding. Unti-unti nang bumukas yung dingding pero bigla ko na lang nasapo ang noo ko dahil kumirot ito! Nanlaki ang mata ko ng may alaalang pumasok sa utak ko.

"Uhhh~" Tinuro ko yung grupo ng Vampire Language daw na nasa tapat ng kinatatayuan ko. "Anong ibig sabihin nito? Tumingin siya sa tinuro ko at ngumuso siya.

"Revival of Blood." Tumaas ang isang kilay ko. Revival of Blood? Deep meaning. Tumango-tango na lang ako. So meron palang vampire language. Unti-unti ko nang nalalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa mga bampira.

Marahas akong napasinghap at biglang nanginig ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako. Nanginginig ang mga kamay ko. Ano yun? Anong memorya yun? Sa pagkakaalam ko, hindi dito ang lugar na yun. Yung lugar na naalala ko ay hindi dito and that place in my memory is really familiar.

At yung lalaki na may purple na buhok. Do I know him? Pero bakit hindi ko siya nakikita dito sa palasyo? May lugar pa ba akong hindi napupuntahan kung saan marami akong alaala doon? But from what I know, lahat na nang lugar dito sa loob ng bayan namin ay napuntahan ko na. Pwera lang kung nasa labas ito ng bayan namin.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang tumayo. Napahawak rin ako sa dingding na nakabukas dahil nanghihina ang tuhod ko. Finally, may naalala na rin ako but still everything is still unknown, everything is still a mess in my mind.

I guess I need to do everything para makalabas ako sa bayan namin. But how? Nakulong ako dito sa palasyo at baka mas pinabantayan na ako ngayon dahil sa nangyaring pagtakas ko. Nakakainis naman!

Love Bites: Mansion Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon