Chapter 10: I'm Here

3.7K 241 0
                                    


Claire's POV

What's this? Isang katanungang bumagabag sa aking isipan, ibig bang sabihin hindi lang apat na bampira ang nakatira dito sa mansion kundi marami pa and they are hiding here behind the door with that 'Do not enter' sign on it. I can't believe it. Kaya pala ayaw akong papasukin ni Dave dito dahil sa tinatago nilang katotohanan, katotohanang hindi lang sila ang bampirang nakatira dito. But why do they have to hide it from me?

"Human?!" Sigaw ni Dave sa akin. Bakit ba kasi ako pumasok dito?

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito. Sinasabi ng utak ko na kailangan kong malaman ang bagay na nakatago dito. I didn't expect this coming.

Naglakad si Dave papalapit sa akin. What the hell?! Don't tell me bubuhatin niya ulit ako na parang sako. Ugh! Bakit ba kasi ako pumasok dito?!

Huminto si Dave sa harap ko. Masama ang tingin niya sa akin habang may kunot na noo. Pero nabaling ang atensyon ko sa bampirang duguan na nakatayo malapit sa amin. Who is him? Bakit siya duguan?

Magsasalita na sana ako kung anong nangyayari dito ng bigla na lang akong binuhat ni Dave. Just like before, parang sako.

"Ano ba?! Ibaba mo ako!" Sigaw ko habang nagpupumilit na bumaba. Pero hindi siya natitinag!

Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas hanggang sa makalabas kami sa pintong may 'Do no enter' na yun. Huminto siya sa paglalakad.

"Ibaba mo na ako!" Sigaw ko ulit.

"I already warned you right? I told you to never enter this room." Seryosong sabi niya. Ano na namang gagawin niya?!

"Anong gagawin ko? My curiousity took me here!" I said. Then the next thing he said makes me shiver.

"I don't care about your damn curiousity. Right now, what you need is a punishment." What?! Punishment?! Oh no! Ano na naman 'to?!

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang nakapagpanginig sa akin sa takot ay nagtuloy na siya sa paglalakad paakyat ng hagdan habang patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. What's with this perverted vampire?!





Rust's POV (Ito yung pumasok sa basement na duguang bampira.)

Nagulat kaming lahat at natahimik nung pumasok yung taong pinatira dito sa mansion. Isa lang ang masasabi ko kakaiba ang amoy ng dugo niya.

Kapag hindi siya nilabas agad ni Boss Dave baka naakit na kami ng dugo ng taong yun.

"Can you explain us the whole detail?" Tanong sa akin ni Boss Kris. Tumango ako bilang sagot.

~Flashback~

Pagkatapos na pagkatapos ng pagpupulong namin kanina ay inutusan agad kami ng mga boss para bantayan ang bawat kilos ng Bloody Tribe.

"Kailangan nating makahanap ng bampira mula sa Bloody Tribe." Sabi ng kasama ko.

"Para sundan?" Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

Hindi namin kasama ang lahat ng bampira, naiwan ang apat na boss, si Ace, Jacob, Rico at labing lima pang mga bampira. Walo lang kaming lumabas.

Ilang minuto na rin kaming naglalakad-lakad dito sa gubat para maghanap ng pakalat kalat na miyembro ng bloody tribe hanggang sa may marinig kaming tili ng isang babae.

"Sh*t ano yun?" Tanong ng kasamahan ko.

Hindi na kami nag-aksaya ng oras dumiretso na agad kami sa pinagmumulan ng tili ng babae. Wala pang isang minuto ay nakarating na kami dun dahil sa bilis namin.

Love Bites: Mansion Of VampiresWo Geschichten leben. Entdecke jetzt