Chapter 26: Lineage of Succesors

2.4K 162 4
                                    

Claire's POV

Tumikhim ako para mawala yung hiya ko. Iniwas ko rin yung tingin ko dahil pakiramdam ko namumula na ako ngayon. Standing this close to him makes me feel something different. Pag malapit ako sa kaniya may nararamdaman akong kakaiba sa tyan ko na hindi ko maipaliwanag.

Lumayo ako sa kaniya kaya nabitawan niya yung braso ko. Hindi ko namalayan na napakamot na pala ako sa batok ko dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi hindi ko makontrol yung bilis ko? Muntik pa akong madisgrasya dahil hindi ko makontrol yung paa ko!

"Focus, Eury. The only thing that you need to do is to focus." Napatingin ako kay Dave ng nagsalita siya. Tumango ako.

Tama siya. Kailangan kong magfocus. Eh, hindi lang naman ako nakapagfocus kanina kasi nagulat ako dahil magkakalapit pala yung mga puno!

"Sorry, hindi mo kasi sinabi sa akin na magkakalapit lang yung mga puno eh." Lumabi ako at yumuko. Aish! Naninisi ka pa talaga Eury! "I'll try again." Sinabi ko pagkatapos ay naglakad ako papunta sa tapat ng nakalinyang puno.

Nagulat na lang ako ng may parang hangin na dumaan sa gilid ko at may naramdaman akong presensiya sa likod ko. Tinignan ko yung lugar kung nasaan si Dave kanina at wala na siya doon. Napalunok ako ng maramdaman ko yung mainit niyang hininga sa leeg ko. Focus, Eury!


"Remember, 'Focus'." Marahan akong tumango pagkasabi niya nun. Inihanda ko na rin ang sarili ko para sa gagawin ko. My goal for this day is to learn how to control my speed. I inhaled deeply before starting.

Ilang beses rin akong muntik ng tumama sa mga puno pero hinihila lang ako ni Dave para maiwasan yun. Nahihiya na talaga sa kaniya dahil sobrang bagal kong matuto! Akala ko ba bampira na ako dati pa?! Bakit ang tagal kong matuto?! Aish! Nakakainis!

Habang mas tumatagal ang pag-eensayo ko ay mas natutunan ko na ring kontrolin ang bilis ko pero hindi pa ganun kadali para sa akin na kontrolin ito. I guess matutunan ko rin ito basta magtiya-tiyaga ako.

Nang matapos na ako sa pageensayo ay ramdam ko ang pagod ko pero hindi naman ako pinagpapawisan. Hindi naman talaga pinagpapawisan ang mga bampira eh.

Napatalon ako ng naramdaman ko ang kamay ni Dave sa likod ko. Diba dapat matakot ako dahil parang binabastos niya ako pero bakit parang wala lang sa akin, mas bumibilis pa nga yung tibok ng puso ko eh. Aish! Ano bang iniisip ko?!

"Uminom ka muna." Sinabi niya habang nakalahad yung kamay niya sa lawa. Kumunot yung noo ko.


"Safe ba yan?" Nagulat ako ng narinig ko siyang tumawa ng mahina pero pagkalingon ko sa kaniya ay seryoso na naman ang ekspresyon niya. Itinagilid ko ang ulo ko. Guni-guni ko lang ba yun? Tumango lang siya bilang sagot sa tanong ko.


Naglakad ako papalapit sa lawa at nakita kong malinis nga ito. Nakikita ko nga ang repleksiyon ko dito dahil sa kalinisan eh. Kitang-kita ko rin ang repleksiyon ng buwan at ni Dave.

Lumuhod ako para makakuha ng tubig sa mga palad ko. Pagkainom ko nito ay hindi ko maiwasang mapangiti. It tastes sweet! Kumuha pa ako gamit ang mga palad ko at ininom ito. Hindi ko alam na may ganito palang lawa sa village namin. Hindi naman kasi ako nakakapunta ng malayo dahil strikto masyado ang pinsan ko.


Nakita kong kumuha rin si Dave ng tubig kaya napalingon ako sa kaniya. I unconsciously licked my lower lip when I saw his adam's apple move. He's hot! Nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap ako dahil sa naisip ko. What's happening to me?! Nagiging pervert na ba ako?!


Tumikhim ako para tanggalin sa isip ko yung mga iniisip ko. Pangalawang beses ko pa lang siyang nakasama pero grabe na yung epekto niya sa akin. Pangalawang beses pa nga lang ba?


Love Bites: Mansion Of VampiresDonde viven las historias. Descúbrelo ahora