Chapter 19: Traitor

2.7K 179 0
                                    

Enjoy Reading!!!

Dave's POV

Fuck that vampire! Lumingon agad ako sa likod ko dahil sa bampirang kumalmot sa akin! How dare he hurt me?! Sinakal ko siya at umangat siya sa sahig. Hindi ko hahayaang mabuhay pa ang mga mapangahas na bampirang 'to! Nanlilisik ang mata kong tumingin sa kaniya. Ibinalibag ko siya sa sahig nang nakita kong wala na siyang buhay.



Napaluhod ako bigla dahil sa may isang matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Kinuyom ko ang kamao ko at hinarap ko ang humampas sa ulo ko. I smirked. Dali dali kong nakuha ang pinanghampas niya sa aking bakal at hinampas ko rin siya sa ulo. Don't even try to mess with me.



Tuloy-tuloy pa ang paglalaban namin at sana nakatakas na si Human.


Nag-angat ako nang ulo ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Human! Malalaki ang hakbang niya papalapit dito with red eyes, sharp fangs, and balled fist! She already turned into a vampire! How?! Alam ko na half human siya and a half vampire pero hindi ko iaasahan na naging bampira na siya ngayon. Kung kailan pa nagkakagulo!


Mas nagulat pa ako nang walang kahirap-hirap niyang ibinalibag ang bampirang nagtangkang saktan siya. Ganun rin ang ginawa niya sa mga nadadaanan niya. She's really strong!


The only thing that I can say is, she's really different! Ibang-iba na siya sa dati.


"Dave..." Lumapit sa akin sila Tristan. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Hindi na kami nakagalaw dahil sa gulat at ganun rin ang mga miyembro nang Bloody Tribe.


Sino bang hindi magugulat? Kung walang kahirap-hirap niyang napapatumba ang mga nakakasalubong niya!


Sinundan ko ang nanlilisik na tingin niya at nakita kong palapit siya sa hari nila! Hindi! Alam ko malakas siya pero mas malakas sa kaniya ang hari!


Nakita ko ang ngisi nang hari nang Bloody Tribe habang papalapit sa kaniya si Human. Naglakad ako papalapit sa kanila at wala pang isang segundo ay naharangan ko na si Human.


"Human..." Tiningnan niya ako nang may nanlilisik na mata. Kumunot ang noo ko at hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya pero walang kahirap-hirap niya itong tinabig at nagulat ako dahil pagkahawi niya sa akin ay bigla na lang akong tumama sa puno na malapit sa amin!


Fuck! Nagdura pa ako nang dugo! Bakit sobrang lakas niya?! Hinawakan ko ang braso ko na dugo na nang dugo ngayon dahil nakalmot na nga tumama pa sa puno.


Lalapit sana ako ulit sa kanila pero naestatwa ako nang nilagpasan lang ni Human ang hari nang Bloody Tribe at dumiretso siya sa nakahigang babae. Kumunot ang noo ko. Sino yung babae?





Claire's/ Eury's POV


Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko basta ang alam ko lang ay walang kahirap-hirap kong napapatumba ang mga nakakasalubong kong bampira.


Nagulat ako nang biglang humarang sa akin si Dave pero tiningnan ko lang siya nang may nanlilisik na mata. Kahit pigilan niya akong lumapit sa mommy ko, hindi ako magpapapigil!


Walang kahirap-hirap ko siyang tinabig at nagulat ako nang tumama siya sa puno. Bakit ang lakas ko? Ayaw ko siyang saktan pero wala akong pagpipilian, ang gusto ko lang at makalapit kay Mommy.


Hindi ko na yun pinansin at dumiretso ako kay Mommy. Nilagpasan ko lang ang Hari at pinuntahan si Mommy.



Pinatong ko ang ulo niya sa hita ko at kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Nangingitim ang mukha niya at duguan ang damit niya.


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now