Chapter 5: Bully

4.8K 271 8
                                    

Claire's POV

Tinulak ako ng isang babae na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig! Ano bang problema niya?! Ang sama pa ng tingin sa akin na parang mapapatay niya na ako sa uri palang ng tingin niya!

Ganito rin sa suot kong uniform ang suot niya, siyempre dito nga siya nag-aaral diba. Pero mas maiksi yung palda niya at umaabot lang 'yun sa hanggang kalahati ng hita, kulot ang itim at mahaba niyang buhok. Sino ba siya para itulak ako?! I didn't even do anything wrong to her!

Tinulungan ako ni Tristan na tumayo bago siya humarap du'n sa babae na may galit na mga mata. Pinagpagan ko yung uniform ko at buti na lang medyo mahaba yung palda ko kundi baka nasilipan na ako!

"Why did you push her, Bea?!" Galit na sigaw ni Tristan kay 'Bea' daw.

Napansin ko lang na parang kapit na kapit sa braso ni Dave itong Bea na 'to, may relasyon ba sila? Mukhang wala naman dahil halatang naiirita yung mukha ni Dave eh. Pero diba bampira sila, paano nila nakukuhang dumikit sa mga tao?

"Dave, Tristan is shouting at me." Pagsusumbong niya kay Dave na parang tutulungan naman siya ng bampirang 'yan.

Nakita kong tinanggal ni Dave yung kamay nung babaeng nakayakap sa braso niya pero halatang namang ayaw tanggalin nung babae yung kamay niya dahil mas hinawakan niya lang ang braso ni Dave. Hay, baka makagat po kayo niyan.

"Let go of me." Hindi sumigaw si Dave nang sinabi niya 'yun pero halatang may galit sa boses niya.

Patuloy pa rin siya sa pagtanggal nung kamay ni Bea. Alam kung inis na inis na si Bea dahil namumula na anh mukha niya.

"Dave!" Sigaw ni Bea, what?! Hindi ba siya natatakot na baka kagatin siya ng bampirang yan! Baka hindi niya alam na bampira sila?

This is so freaking messed up! Wala na akong naiintindihan sa takbo ng mga pangyayari!

"I said let go of me!" Nakakatakot talaga yung sigaw ni Dave. Napabitaw na lang si Bea sa kanya dahil sa lakas at galit na tono nu'n. Bakit niya kasi pinagpipilitan yung sarili niya? Flirt.

Bigla na lang naglakad palayo si Dave at galit na galit yung itsura niya, sumunod na rin kami sa kaniya. Ayun naiwan si Bea na nakatayo doon at halos patayin ulit ako ng tingin.

Why is she looking at me like that?! Wala naman akong kasalanan sa kaniya, ah!

"May masakit ba sayo, Ate Claire?" Tanong sa akin ni Tristan habang naglalakad kami papunta sa room. Tumingin ako sa kaniya at umiling, wala namang masakit sa akin eh. "Forget about that girl, she's just jealous because katabi mo si Dave." Ano bang problema dun kung katabi ko si Dave?

"Bakit naman siya magseselos, magkaano-ano ba sila ni Dave?" Tanong ko, hindi naman siya magseselos kung wala silang relasyon eh.

"Wala." Napatingin ako kay Tristan, dahil sa sinabi niya. Kung wala bakit siya magseselos?! Baliw ba siya?

"Wala naman pala eh, bakit siya magseselos?" Tumingin sa akin si Tristan, napahinto na pala kami sa paglalakad, nauna na rin sila Kris at Mark.

"May gusto kasi yun kay Dave, matagal na, and I guess she feels like Dave also likes her, kahit hindi naman." Tapos tumawa siya ng mahina. "Bully rin yun dito, BE CAREFUL ATE CLAIRE." Iyon yung last na sinabi niya tapos nauna na siya maglakad kaya sumunod na lang ako habang nagtataka pa rin sa sinabi niya.

Dumaan kami sa isang hallway, ang dami ring classroom dito. Ang laki talaga nang school na 'to. Hindi ko maiwasang humanga. Nakakahanga rin na nag-aaral ang mga bampira sa unibersidad ng mga tao. Sumunod lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang classroom. Pumasok sila dun tapos sumunod lang ako. Mayroon ng nagtuturo sa harap! Shit! Late na ata kami!

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now