Chapter 13: Stay Safe

3.3K 210 18
                                    


Claire's POV

Hay! Ayoko maging pain pero wala akong magagawa! Aish! Its my punishment! My worst punishment ever!

Nakapangalumbaba ako ngayon sa upuan ko habang hinihintay kong dumating si Miss Garcia. Its Monday! That means, pasukan ngayon.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Dave na nakaupo sa upuan niya habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin! Sinamaan ko siya ng tingin.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi sa akin ang totoong dahilan kung bakit ako magiging pain. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung saan ako magiging pain. Hanggang ngayon litong-lito pa rin ako!

I'm a human so ibig sabihin magiging pain ako ng ano? Tao rin? O bampira?! Aish! I can't believe this is happening!

Dumating na si Miss Garcia and as usual kakarating lang rin ni Bea or should I call her Beatrice? Hindi naman kasi kami close eh. Actually wala pa nga akong kaclose dito, except kay Tristan.

Umupo na si Beatrice sa tabi ko. Napahawak ako sa band-aid sa noo ko dahil naalala ko na naman ang ginawa nila sa akin nung unang araw ko dito.

Huminga ako ng malalim at nakinig nalang kay Miss Garcia.

"I'm sorry." Napatingin ako sa katabi ko dahil sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko o may sira yung tainga ko?

"Uhhmmm, ano? Ako ba yung kausap mo?" Bulong ko sa kaniya dahil may nagtuturo sa harap.


"Are you deaf? Or you're just playing dumb?" Sarkastikong tanong niya sa akin. Akala ko naman sincere na yung paghingi niya ng tawad. "Kung hindi lang ako inutusan ng boyfriend mo, I'm not going to apologize to you. Tama lang naman na nangyari sayo yun eh!" What?! Tama lang na mangyari sa akin yun?! Huminga ako ng malalim, at ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Miss Garcia. Wait! Boyfriend?! Sinabi niya bang inutusan siya ng boyfriend ko?! Wala naman akong boyfriend ah! Aish! Sinabi nga pala ni Dave na girlfriend niya ako! Pero inutusan niya ba talaga si Beatrice na humingi ng tawad sa akin? Bakit? I pouted.


Natapos na ang klase at lunch break na. Naglilipit na ako ng gamit ko dahil pupunta na ako ng canteen. Sinilip ko si Tristan, nakangiti siya sa akin.

"Tara na Ate Claire. Lunch na tayo." Tumango ako at naglakad na papalapit sa kaniya. Nasa may pintuan siya.

Pero bago pa ako makalapit sa kaniya ay may marahas na humila sa braso ko. Kumunot ang noo ko at tumingin ako sa taong nasa harap ko ngayon. Nakatalikod siya sa akin.

"Dave!" Sigaw ko sa kaniya. Nakakainis eh! Maglulunch na nga lang yung tao pipigilan pa niya!

"Tristan, baka nakalimutan mong girlfriend ko 'tong taong 'to dito sa school?" Sarkastikong tanong niya kay Tristan habang nakaturo yung hintuturo niya sa akin. Tristan chuckled.


"Dave, ano bang masamang makisabay kumain kay Ate Claire?" Tanong ni Tristan. Oo nga naman. Tsaka ano bang problema niya eh hindi naman totoong girlfriend niya ako?!


"Hoy Dave! Hindi naman totoong girlfrie---"

"Aish!" Tinakpan niya yung bibig ko gamit ang kamay niya. Tiningnan ko siya ng masama at pilit kong tinatanggal yung kamay niyang nasa bibig ko. "Stop! Gusto mo bang saktan ka ulit nila Bea ha!" Kumunot ang noo ko. Pero umiling na lang ako bilang sagot. "Kung ganun, just act as my girlfriend here in school." Tapos tinanggal niya na yung kamay niya sa bibig ko. Hay! I guess I don't have a choice dahil ayoko rin namang awayin ako dito ulit.


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now