Chapter 40: Home

2.7K 156 8
                                    


Eury's POV

"D-Dave." Napapikit ako dahil sa panginginig ng boses ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako na ewan! Niyakap lang naman ako ni Tristan ah! Then why do I feel guilty? Pakiramdam ko may ginawa akong masama kay Dave at kailangan kong humingi ng tawad!

Hindi nagsasalita si Dave kaya naghari ang katahimikan sa gitna namin. Nakaigting ang panga niya at seryosong-seryoso ang tingin niya. He's staring at me intensely making me tremble.

"U-Uhmmm...anong kailangan m-mo?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng nanginig na naman ang boses ko. Why am I experiencing this kind of feeling?!

Muntik na akong mapaatras ng naglakad papalapit si Dave sa akin. He's looking at me coldly na parang may nagawa nga akong kasalanan sa kaniya!

Nang makalapit siya sa akin ay ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko. My heart is beating harshly and uncontrollably! Halos sumabog ito dahil sa bilis nito!

"Damn! Why am I feeling like this?!" Napakislot ako dahil sa riin ng pagkakasigaw niya.

Nakatitig pa rin siya sa akin ng sinabi niya yun. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa titig niya. I can't look back at his eyes because I feel like it will melt me!

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng hinawakan niya ang baba ko at inangat ito gamit ang hintuturo niya. Nanatili ang tingin ko sa baba dahil sa kabang nararamdaman.

"Look at me, please..." He said huskily.

Napapikit ako dahil sa lalim ng boses niya. Parang nakakapanginig ng tuhod! Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Hindi naman ako ganito dati ah! I know I'm inlove with him pero bakit ganito?! Sobrang nakakabaliw!

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nagkasalubong ang mga mata namin. I tried to avoid his gaze but I can't. Natulala ako sa mga mata niya dahil sa ganda nito. His eyes is shining because of the moonlight. Ngayon ko rin lang napansin na gabi na pala.

"Tell me..." Nakita kong napalunok siya pagkatapos niyang sabihin yun. "Do you love me?"

Napatulala ako sa mukha niya dahil sa sinabi niya. This is the first time that he ask me that. Pakiramdam ko ay matutunaw ako dahil sa tingin niya. Should I answer it now?!

"U-Uhmmm....I-I..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa hiyang nararamdaman. Halos dumugo ang labi ko dahil sa kakakagat ko dito.

Bakit ako nahihiya? Hindi ko rin alam! Hindi ko alam kung bakit ako nahihiyang aminin ang totoo! Wala namang nakakahiya sa pag-amin pero bakit ganito ang nararamdaman ko?! I can't understand myself!

"Fuck! I don't want to lose you. And I'm jealous because of you hugging another guy!" He said sternly.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. I can't help myself but to stare at his gorgeous and handsome face. Ano bang maganda ang nagawa ko noon at ganitong nilalang ang nagmamahal sa akin ngayon?

Nung nag-aaral pa ako sa dati kong school, noong tao pa ako ay halos walang pumapansin sa akin. Hindi rin ako palakaibigan at malapit sa mga lalaki pero bakit dito puro lalaki ang kasama ko at napakikisamahan ko pa sila ng maayos?

"Answer me, please...do you love me, Eury?" Mapupungay ang mga mata niya ng sinasabi niya yun.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa kabang nararamdaman. I want to say the truth but I'm shy! Ito ang unang beses na aamin ako sa totoo kong nararamdaman at sobra akong nahihiya!

Love Bites: Mansion Of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon