Chapter 22: Secret Room

2.4K 162 0
                                    


Author's Note: Gamitin na lang po natin ang totoong pangalan ni Claire na Eury bilang POV. Okay?

Thank you for reading!!!

______________________________________

Eury's POV

"Mahal na prinsesa, bakit naman po kayo tumakas?!" Sermon sa akin ni Reina.

Kanina niya pa ako sinesermonan dahil sa pagtakas ko. Hindi niya naman ako masisisi dahil gustong gusto kong lumabas nang walang nakasunod sa aking kawal! Ngayon nga nakasunod pa rin sa amin yung kawal eh!

"Mahal na prinsesa, sagutin niyo naman po ako!" Sabi ni Reina.

Nakahalukipkip ako ngayon habang padabog na naglalakad papunta sa throne room. Pinapatawag daw kasi ako ng hari. Ngayon sasabihin ko na talaga na tanggalin niya yung kawal na sumusunod sa akin!

"Mahal na prin---"

"Oo na! Oo na!" Sigaw ko at humarap ako kay Reina. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita ulit. "Gusto ko lang namang lumabas ng palasyo ng walang nakabuntot sa akin, ng walang nakasunod sa akin! Reina!" Nagtitimping sigaw ko.

Nakita kong nagulat si Reina dahil sa sigaw ko. Hindi ko pa siya sinisigawan, ngayon lang. Pinikit ko ng mariin ang mata ko at kinalma ang sarili ko bago ako nagmulat.

"I'm sorry, Reina. Alam kong nag-aalala lang kayo sa akin, pero gusto ko na kasing malaman ang lahat ng nawalang alaala ko at baka kapag walang nakasunod sa akin, mas maaalala ko yun, kaya ako tumakas. I'm sorry." Sabi ko. Nakita kong yumuko si Reina at tumango.

Ayan nagtampo na siya Eury! Ikaw kasi eh! Siya na nga lang yung bampirang malapit sayo dito, pinag-alala mo pa.

Huminga ako ng malalim at tinapik ko na lang ang balikat niya bago naglakad ulit papuntang Throne Room. Sumunod ulit silang dalawa sa akin.

Pagkabukas ko ng double door papuntang Throne Room ay tumambad agad sa akin ang isang pulang carpet patungo sa trono ng hari. Katabi ng trono ng hari ay ang trono ng reyna pero wala kaming reyna dahil hindi nag-asawa ang pinsan ko.

Tiningala ko ang pinsan ko at nakita ko ang nanlilisik na mata niyang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago naglakad papalapit sa kaniya.

Yumuko ako bilang pagbibigay galang nang nakalapit ako sa pinsan ko.

"Tumakas ka?" Tanong niya sa akin. I bit my lower lip to stop myself from shouting at him. Bawal ba akong lumabas ng mag-isa? Bakit kailangan pang may nakasunod na kawal? "Tumakas ka." Hindi tanong yun.

"Ano ngayon kung tumakas ako? Hindi ba pwedeng magkaroon ako ng kalayaan, Frederick? Gusto ko lang namang lumabas ng walang nakabuntot sa akin!" Hindi ko na napigilan ang galit ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit basta ang alam ko lang naiinis ako kasi wala akong kalayaan sa palasyong 'to.

"Ngayon sinisigawan mo na ako. Baka nakakalimutan mong ako ang hari dito Eury!" Sigaw niya. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Paumanhin, Kamahalan." Yumuko muna ako bago nagsalita ulit. "Gusto ko lang naman na walang nakabuntot sa akin kung lalabas ako ng palasyo kaya ako tumakas."

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo, Eury, na para yun sa kaligtasan mo." Kumunot ang noo ko. Kaligtasan? Tumingala ako at tinignan ko siya sa mga mata.

"Kaya ko ang sarili ko, Frederick. Hindi ko kailangan ng kawal para sa kaligtasan ko." Sabi ko.

"Hindi mo kailangan ng kawal? Hindi mo pa nga kayang gamitin ang kakayahan mo bilang isang bampira, kaya mo ng iligtas ang sarili mo?" Sabi niya. Tama siya, hindi ko pa kayang gamitin ang kakayahan ko bilang isang bampira pero hindi ibig sabihin nun hindi ko na kayang iligtas ang sarili ko.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now