Chapter 32: The Head

2K 134 1
                                    


Eury's POV

"Mahal na Prinsesa?" Naalimpungatan ako ng marinig ko ang tatlong katok na nagmumula sa labas ng pinto ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napatakip na lang ang mga braso ko sa mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama dito. Anong oras na ba?

Tumingin ako sa labas ng veranda at nakita kong umaga na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kahapon dahil sa pag-iisip.

Napahikab ako at kinusot ko ang mga inaantok kong mata bago ako umupo ng maayos sa kama ko at sumandal sa headboard. Ano naman kayang sadya ni Reina dito?



"Pasok." Nakita kong pumasok si Reina sa kwarto ko habang nakayuko. "May kailangan ka ba?" I asked curiously.



"Ginising ko po kayo kasi nais po ng mahal na hari na sabayan niyo siyang kumain." Sabayan ang haring kumain? Tss! Napakuyom ang mga kamao ko sa pagkarinig pa lang ng salitang 'hari'.


Hindi siya karapat-dapat sa trono. He shouldn't be the king. Hindi dapat siya ang hari ngayon. Sa ginawa ng kaniyang ama, he is not the right heir sitting on the throne. He's just sitting there because of my uncle's greediness. Isa pa sa ipinagtataka ko bakit niya pa ako hinayaang tumira dito sa palasyo pagkatapos niyang patayin si Mommy. Ano ang plano niya?



"Susunod na ako." I answered after a long silence. Nakita kong nakatingin si Reina sa mga kamay ko habang nakakunot ang noo niya kaya itinago ko kaagad ito sa ilalim ng kumot. "Makakaalis ka na." I said while averting my gaze.



"Ngunit---"


"Ako na ang bahala sa sarili ko." Sagot ko pagkatapos kong putulin ang sinasabi niya. Alam ko naman ang sasabihin niya eh. Ang sasabihin niya ay 'Ngunit kailangan ko pa po kayong ayusan.' Aish! Porke prinsesa ako kailangan ng laging pagsilbihan?



Yumuko sa akin si Reina bago siya lumabas ng kwarto ko. I should start preparing now. Tumayo na ako sa kama ko at nag-shower bago ako namili ng susuotin ko sa walk-in closet ko.


Kinakagat-kagat ko ang daliri ko habang namimili ng susuotin ko. Why would I wear a gown? Bakit ko susundin ang utos ni Frederick na laging magsuot ng gown? Hindi ko naman dapat siya sinusunod eh. His just a fake king but no one knows it except me. Isa pa yun, why do they have to hide the truth?! Dahil ba kapamilya nila si Uncle kaya nila itinago ang buong katotohanan na siya ang pumatay kay King Francis?! Such an unacceptable reason!


Sa huli ay isang puting blouse, black fitted jeans at black leather boots ang sinuot ko. Humarap ako sa salamin at napangisi na lang ako dahil sa itsura ko. He would be pissed if he saw me. And that's my plan. Hindi rin dapat niya mapansin na naalala ko na ang lahat, baka yun pa ang ikapahamak ko.



Lumabas na ako sa kwarto ko at napahinga ako ng malalim bago ako tumingin sa kawal na nasa tabi ng pinto ko. At first, I was expecting it to be Dave pero bigla na lang akong nanlumo ng si Pier ang nakita kong nakatayo dito.



Tumango ako sa kaniya ng nakita ko siyang nakatingin sa akin bago ako naglakad papuntang Dining Room.



Pagkapasok ko sa Dining Room ay nakita kong pinasadahan ni Frederick ng tingin ang suot ko bago unti-unting kumunot ang noo niya. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko bago ako umupo sa kaliwang parteng katabi niya.



"Why are you wearing that kind of outfit?" I heard a hint of anger on his voice making me smirked mentally. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kasiyahan kapag nagagalit siya ngayon, noon naman nung hindi ko pa naaalala ang lahat ay ayaw na ayaw ko siyang nagagalit pero bakit masaya ako ngayon? Maybe because I can feel satisfaction when he's getting pissed.


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now