Chapter 33: Surreal

2K 140 6
                                    


Eury's POV

Paikot-ikot ako ng higa dito sa higaan ko dahil hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang sinabi sa akin ni Dave kanina.


Si Ace? Ginawang personal bodyguard ko si Dave? Pero paano? Imposible kasing hindi niya nakilala si Dave! Kung si Frederick, maniniwala pa akong hindi niya makikilala si Dave, pero si Ace? Sigurado akong makikilala niya si Dave.


Dalawa lang ang posibleng dahilan ng pagpapapasok niya kay Dave dito. Pwedeng hindi talaga siya traydor at tinulungan niya si Dave na makapasok dito. Pero kung traydor nga siya, pwedeng may pinaplano sila ni Frederick na masama.


Aish! Nagulo ko na lang ang buhok ko dahil sa frustration. Traydor ba talaga si Ace o hindi? At si Dave! Imposibleng hindi siya magtaka tungkol kay Ace! Kaya kung nakapasok siya dito at nakita siya ni Ace, malaki ang posibilidad na magtataka siya kung bakit siya nakapasok. Pero nung nakausap ko siya parang hindi naman siya nagtataka eh. Hindi kaya, hindi talaga traydor si Ace?


Halos mapabalikwas ako sa pagbangon ng may narinig akong yabag ng paa sa veranda ko. Kumunot ang noo ko. Si Dave kaya yan?

Tumayo kaagad ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa veranda. Unang bumungad sa akin ay ang nakatalikod na pigura ng isang lalaki. Blonde ang buhok. Si Dave nga.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at nang lumingon siya sa akin ay halos mahigit ko ang hininga ko ng nagtama ang mga mata namin. Why am I experiencing this kind of feeling?!


Si Dave lang yang nasa harap mo, Eury! Bakit ang bilis ng tibok puso mo?! Pilit kong pinapakalma yung puso ko pero mas bumilis pa siya nung naglakad papalapit sa akin si Dave. Bakit ganito?

At halos mapaatras ako ng makalapit na sa akin si Dave. Baka marinig niya yung tibok ng puso ko!

"A-Anong sadya mo dito?" Napapikit na lang ako dahil sa kabang namumuo sa dibdib ko. Ano bang pakiramdam 'to?!


"Nakalimutan mo na?" Napatingin ako kay Dave dahil sa tanong niya. Anong nakalimutan ko?


"A-Anong..." I trade off. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.


"Your training." Maikling sagot niya. Nanlaki ang mata ko ng maalala kong magtratraining pala kami tuwing gabi! Eh paano ko naman hindi makakalimutan? Ang dami-dami ko nang iniisip at halos hindi na maproseso ng utak ko ang lahat ng nalalaman ko.


"A-Ah! Oo, a-akala ko kasi hindi tuloy." I laughed nervously to hide the awkwardness. Buti naman at tumahimik na rin ng konti yung puso ko.


Bumuntong-hininga si Dave bago siya tumalikod sa akin at lumuhod. Tinignan ko naman ang suot ko dahil baka nakagown ako at naalala kong hindi pala ako naggown kanina kasi gusto kong galitin si Frederick kaya tama lang yung suot ko. Finally matutuloy na yung training ngayon!


Huminga muna ako ng malalim at hinaplos-haplos ang dibdib ko bago ako umangkas kay Dave. I need to calm my heart.


Pagkaangkas ko kay Dave ay hindi ko alam kung bababa ako o ano dahil bumilis na naman ang tibok ng puso ko! Ano bang nagyayari sa akin?! Nababaliw na ba ako?! Aish! Dumikit lang naman ang balat ko sa kaniya eh, bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko! Bumaba na kaya ako?



"Ganun ka ba ka-excited sa pagtatraining kaya ang bilis ng tibok ng puso mo?" Halos takasan ako ng kalukuwa dahil sa sinabi niya. Naramdaman niya nga! Aish!


Bababa na sana ako mula sa pagkaka-angkas sa kaniya ng bigla siyang tumalon sa katabi naming puno kaya napakapit ako ng mahigpit sa kaniya. At dahil dun mas bumilis pa yung tibok ng puso ko!


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now