Chapter 30: Truth Hurts

2.2K 157 0
                                    


Eury's POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa balat ko. Bakit parang ang bilis ng oras? Parang kakatulog ko lang ah!

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame ng kwarto ko.

I pouted. I admit that last night was the most memorable night that I can remember. It was such a beautiful memory.


~Flashback~

Nagulat ako ng tumalikod si Dave at lumuhod sa harap ko. Kumunot ang noo ko at tinitigan ko lang ang likod niya habang naghihintay ang sasabihin niya.

"What? You're just going to stare at my back?" Napatingin ako sa mukha niyang nakalingon sa akin habang nagsasalita siya.

"Ano bang gagawin ko?" I asked, frustratedly.


"Aangkas sa likod ko. Nakalimutan mo na ba yung training mo?" Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya hanggang sa unti-unti ring kumunot ang noo ko.


"Ang akala ko ba, hindi tuloy ngayon yung training?"

"Why would it be canceled? May sinabi ba ako?" He asked.


"W-Wala." I stuttered. Aish! Bakit kailangan ko pang mabulol?!

"Wala naman pala eh. Angkas na." He srugged his shoulders while his pointing his index finger on his back.

Dahan-dahan akong umangkas sa likod niya. Hawak-hawak ko pa rin ngayon yung boteng ibinigay niya sa akin na may lamang dugo ng usa habang maluwang kong pinagkukrus yung braso ko sa leeg niya.

"Ready?" Huminga muna ako ng malalim bago ako tumango habang nakapatong yung baba ko sa kanang balikat niya.

Napahigpit ang kapit ko sa leeg niya nang tumalon na siya doon sa punong katabi ng veranda ko. Oh my! Bakit hindi pa rin nawawala yung takot ko sa heights?!


"Hey, you're choking me." He said while chuckling. Anong itinatawa-tawa niya?!


"Anong nakakatawa?!" I asked frustratedly. Hindi ko napansin na tumaas na pala yung boses ko.


"My Princess, do you want us to get caught?" Siyempre ayaw ko kaming mahuli pero napasiksik ang mukha ko sa leeg niya nung narinig ko yung sinabi niya.

My princess?

Tss! Bakit ako namumula?! Nag-iinit pa yung mukha ko dahil lang sa sinabi niyang yun! Normal lang naman na sabihin niya yun kasi prinsesa ako diba pero bakit nung sinamahan niya ng salitang 'My' parang iba yung pagkakaintindi ko? Aish! Erase! Erase!


Napapikit na lang ako ng naramdaman kong tumatalon-talon na si Dave sa mga puno. Aish! Pati ba ang pagtalon sa mga puno pag-aaralan ko? Hindi ko alam kung matututunan ko ba 'to o mananatili akong takot sa heights.


After a while, naramdaman ko na lang na huminto na si Dave sa pagtalon at sa tingin ko, nakatapak na siya sa lupa.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko ng makita kung nasaan kami.


We're here again! Andito ulit kami sa may lawa! Hindi ito ang unang beses kong pumunta dito pero parang sa sobrang excitement na nararamdaman ko ngayon, I feel like this is my first time!


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now