Chapter 34: Kidnapped

2K 133 3
                                    


Eury's POV

"Sino pa ba kasing hinihintay natin?" I asked frustratedly.

Kanina pa kami naghihintay dito nila Dave at Pier sa tabi ng lawa at hindi ko alam kung sino o ano ang hinihintay namin. Andito kami para pagplanuhan ang gagawin naming pagpapabagsak kay Frederick bilang hari. Pero gabi na at wala pa rin ang hinihintay namin kaya hindi pa kami makapagplano.

Oo. Nalaman na nga ni Dave ang totoo na naalala ko na ang lahat pagkatapos ng nangyari ng gabing yun. It feels surreal na para bang panaginip lang ang nangyari ng gabing yun pero hindi eh, its real.


After that night, ang akala ko ay magiging awkward kami sa isa't-isa ni Dave pero akala ko lang pala yun yun because we are acting normal until now na parang walang nangyari.


Wala rin akong naisagot sa kaniya sa sinabi niyang tatlong salitang nakapagpabagsik ng tibok ng puso ko. I don't know if I already love him. Hindi ko alam kung dapat ko ba yung sabihin sa kaniya because I'm still not sure of my feelings.


That night only ends with him tuckling me to bed and him leaving. At aaminin ko na nanlumo ako dahil hindi natuloy yung iniisip ko but I guess its right to stop it because its not yet the right time to do that 'thing'. We're still teenagers and not yet married, but I'm not saying na ikakasal kami! I'm just saying na maling may mangyari sa amin dahil hindi kami kasal, hindi ko sinasabing ikakasal talaga kami!


Napairap na lang ako sa kawalan ng walang sumagot sa tanong ko. Si Pier nakasandal lang sa may puno at nakahalukipkip habang si Dave naman ay nakaupo sa isang malaking bato at nakatingin sa payapang lawa.

Ako? Nakatayo lang dito habang nakapameywang at pinapanood silang maghintay. Aish! Sino ba kasing hinihintay namin?!


"Naririnig niyo ba ako?" I asked calmly. Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang mapatitig na lang ako kay Dave dahil tumingin siya sa akin. Bakit ba ang ganda ng mata niya?


Tumikhim ako at humalukipkip habang tinitingnan siya ng may nagtatanong na mata. Pero nagulat ako ng tumayo siya at naglakad papalapit sa akin habang nakapamulsa.


Napalingon ako kay Pier at nakita ko siyang nakatingin pa rin sa tinitingnan niya kanina. Pagkalingon ko sa harap ko ay napaatras ako dahil sa lapit ni Dave sa akin. Napalunok ako dahil sa kaba. Why are he sending chills to my spine?


Nginuso niya ang likod ko kaya napatingin ako doon at nakita ko Ace? Bakit nandito si Ace?! Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Why is he here? Alam na ba ni Frederick ang pagkikita namin nila Dave at Pier kaya inutusan niya si Ace para hulihin kami sa akto?! Aish!


Napatingin ako kay Dave ng hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Alam kong bakas ang takot sa mukha ko ngayon. Sino ba namang hindi matatakot? Si Frederick ang kinakalaban namin, ang hari ng Bloody Tribe!


"Siya ang hinihintay natin." Napalitan ng pagtataka ng mukha ko at kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Dave. Ano daw? Si Ace? Si Ace ang hinihintay namin?! Pero bakit?


Napatingin ako ngayon kay Ace na naglalakad papalapit sa amin. Patingin-tingin siya sa paligid na parang tinitingnan kung may sumusunod sa kaniya. Hindi ako makapaniwala! Siya?! Siya pala ang hinihintay namin?! So tama nga ang iniisip ko na kaya nakapasok si Dave sa palasyo dahil si Ace ay kakampi namin?


Nang nakalapit sa amin si Ace ay lumipat agad ang mga tingin niya sa akin at yumuko siya bilang pagbibigay galang bago siya tumango kila Dave. Parang bigla na lang napawi ang kaba sa puso ko dahil sa nalaman kong kakampi pala namin si Ace.


Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now