Epilogue

4.3K 221 69
                                    


Dave's POV

"Ang bagal mo Dave!" Asar sa akin ni Tristan.

Nandito kami ngayon sa basement para mag-usap tungkol sa paano ko mapapaamin si Eury sa totoong nararamdaman niya sa akin.

Ilang beses ko na bang sinabi sa kaniya na mahal ko siya pero siya, walang sinasabi pabalik.

"Don't talk to me like that, Tristan. Sa tingin mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mong pagyakap kay Eury kanina?" I clenched my jaw tightly and glared at Tristan.

Alam nila na may gusto ako kay Eury at halos mapatay ko rin si Tristan nung nalaman kong itinulak niya si Eury sa bangin. Kung hindi ko nailigtas si Eury sa tamang oras ay baka wala na siya ngayon at hindi ko yun makakaya.

"Chill, Dude." Ngumisi sa akin si Tristan habang nakataas ang mga kamay niya. Napailing ako.

"Ganyan ang napapala ng mga hindi malapit sa mga babae." Sinamaan ko ng tingin si Mark dahil sa sinabi niya. "What?! I'm just telling the truth, kahit si Bea nga hindi mo nilalapitan eh."

"Stop talking about nonsense shits!" I roared.

Napalingon ako kay Kris na tahimik ngayong pinaglalaruan ang wine glass niyang may laman ng dugo.

"Do you have a plan in mind?" Tanong ko kay Kris.

Sa aming lahat siya ang pinakamature  pero alam ko rin na wala pa siyang nagiging karelasyon, kagaya ko. Ngayon lang ako natamaan ng ganito, at kay Eury pa. Nung unang beses ko siyang nakita ay na-akit na ako ng dugo niya at hindi ko namalayan na pati puso ko pala ay na-akit na niya.

I shifted on my seat when I remembered something.

Nakaupo ako sa Living Room ng mansion ng may narinig akong kumatok sa may pinto at nagsabi ng 'Tao po'.

My eyebrow shot up. Ano na namang pakulo ito? Ako lang ang nandito sa Living Room kaya alam kong ako lang ang nakakarinig ng kumakatok.

Naulit pa ang pagkatok niya ng ilang beses bago ito tumahimik. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para buksan ang pinto pero ang alam ko lang ay nakaamoy ako ng isang matamis na bagay, kakaiba sa dugo ng mga tao.

Mabilis akong nagtago ng binuksan ko ang pinto. Isang babae ang pumasok. Hanggang dibdib ko ang tangkad. Maputi siya at kumikinang ang kaniyang itim na itim na mata. Her hair is straight and black. Mapupula rin ang manipis na labi niya at matangos ang ilong.

Isinara ko kaagad ang pinto at parang hanging dumaan sa harap niya, napasigaw pa siya ng 'multo' pagkalingon niya sa likod niya. Mukha ba akong multo? Tss.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya pero mas nanaig ang amoy ng dugo niya sa katawan ko. I can smell her sweet blood from here. Ibang-iba ang amoy ng dugo niya sa dugo ng mga tao.

I don't know what happened to me pero naramdaman ko na lang ang sarili kong hawak-hawak ang balikat niya sa likod at alam kong lumabas na ang pagkabampira ko. Her blood smells really really tempting!

Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya habang hawak-hawak ko siya.

"Hindi kami multo." I said while I'm stopping myself to bite her.

Naramdaman kong lilingon sana siya kaya pinigilan ko kaagad siya dahil baka makita niya kung ano ako.

"Wag kang lilingon."

"Sino ka?!" Takot na sigaw niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng napatingin ako sa leeg niya.

Umigting ang panga ko ng hinaplos ko ang leeg niya. Marunong akong magpigil dahil isa sa mga ibinilin sa amin ay huwag na huwag kaming uminom ng dugo ng tao. Pero iba ang dugo niya! Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil nakakaakit ito!

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now