Chapter 37: Hatred

1.9K 149 5
                                    


Eury's POV

"Tita Janice." I answered my phone. Nandito ako ngayon sa kwarto ko para magpahinga. This day is really exhausting. Akala ko kinidnapped ako. Akala ko natalo kami sa laban. Akala ko mawawala na sa akin si Dave.

[Claire!] Halos mailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Tita Janice. [Bakit ngayon ka lang ulit tumawag ha?! Nag-alala ako sayo, alam mo ba yun?!] Ramdam na ramdam ko ang galit, pag-aalala at saya sa tono ng boses ni Tita Janice.

Hindi ko siya masisisi. Halos dalawang buwan rin ang lumipas mula nung huli kong tinawagan si Tita. Kung ako ang mapupunta sa sitwasyon niya ay talagang mag-aalala rin ako.

"M-Medyo busy lang po kasi ako sa s-school Tita kaya ngayon lang po u-ulit ako nakatawag. S-Sorry po." I crossed my fingers wishing that she'll believe me. Hindi ko pwedeng sabihin kay Tita ang totoong nangyari dahil ayoko na siyang madamay.

Sandaling katahimikan ang namayani sa gitna namin ni Tita Janice kaya nangamba ako. Did she believe me? Or not?

[Sigurado ka?] Puno ng pagtataka ang tono ng boses ni Tita Janice at pakiramdam ko ay naniningkit rin ang mga mata niya ngayon. Sabi ko na nga ba eh! Hindi siya agad maniniwala sa akin!

"O-Opo! S-Sigurado po!" I said nervously. I need to change the topic! Baka mapaamin pa ako dahil sa pagtatanong ni Tita! "U-Uhmmm...T-Tita! K-Kamusta na po kayo?" Nasapo ko ang noo ko dahil sa panginginig ng boses ko. Nakarinig ako ng pagbuntong-hininga bago nagsalita si Tita.

[Hmmm...ayos lang naman. Ikaw?] Nakahinga ako ng maluwag ng iniba na ni Tita ang usapan. Tumikhim muna ako para maibsan ang kabang nararamdaman.

"Ayos lang rin po. Maayos naman po ang pakikitungo sa akin dito at m-masaya rin po ako dito." This time I didn't lie. Totoo ang lahat ng sinabi ko. Ayos lang ako dito. Maayos rin ang pakikitungo nila sa akin at higit sa lahat masaya ako dito.

[Buti naman. Gusto mo bang bisitahin kita diyan, kaso hindi ko alam kung saan ka na nakatira ngayon eh?] Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Tita.

"H-Huwag! I-I mean, huwag na po. Malayo po ito at baka mapagod lang po kayo." I said trying to hide the panic in my voice. Hindi pwedeng malaman ni Tita kung nasaan ako ngayon at mas hindi pwedeng malaman ni Tita na bampira ako at bampira ang mga kasama ko.

Tao siya at matatakot lang siya kung nalaman niya ang katotohanan kagaya ko nung una kung dating dito. If she find out the truth, the situation will only be complicated.

[Pero gusto kong tignan ang kalagayan mo.] Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tita.

"Ayos lang po talaga ako. Kung gusto niyo po, ako na lang po ang dadalaw sa inyo, Tita." I said.

[Talaga?! Kailan ka dadalaw kung ganoon?!] Ramdam ko ang saya sa tono ng boses ni Tita. Mas lumapad pa ang ngiti ko dahil doon. Isa si Tita Janice sa may malaking naitulong sa akin lalo na nung inilibing si Mama at Papa kaya isa rin siya sa itinuring kong magulang.

Mabait sa akin si Tita Janice simula pa nung bata ako. She always comfort me kapag wala sila mama at papa sa bahay. Siya rin minsan ang nagpapasyal sa akin kapag busy sila mama at siya rin ang gumabay sa akin at naging sandalan ko nung namatay sila mama at papa.

The day of my foster parent's death is my most hated day. Nung araw na iyon, parang bumagsak ang lahat sa akin. Parang napakaraming punyal ang tumusok sa puso ko nung araw na iyon. Kahit hindi ko sila totoong mga magulang, minahal ko sila na parang sila talaga ang mga magulang ko kaya sobrang sakit ang naramdaman ko noon.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now