Chapter 14: Smile

2.9K 204 5
                                    

Claire's POV

"Ahhh..." Napaungol na lang ako nang naramdaman ko ang sakit sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Anong nangyari? Nahimatay ba ako?

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at ang unang tumambad sa akin ay ang kahoy na dingding. Nakaupo ako ngayon sa lupa at nakakulong ako sa isang lugar kung saan gawa sa kahoy ang dingding! Nakakulong ako?! Bakit?!

Nakagapos rin sa isang makapal na lubid ang kamay at paa ko! Ano bang nangyari?! Asan ako?!

"Tulong!!!" Sigaw ko nang may nanlalaking mata. Teka! Ang akala ko ba babantayan ako nila Dave pero bakit nakakulong ako ngayon?!

Bigla kong naalala yung camera na nasa collar ng damit ko. Tiningnan ko ang collar ko at nakita kong suot ko pa yun. Ibig sabihin nakikita rin nila Dave ang nakikita ko. Anong gagawin ko?! Kailangan kong makatakas dito!


No! Hindi dapat ako magpanic! Kailangang makita nilang malakas ako kung hindi mamatay ako!


Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero napangiwi na lang ako nang maramdaman ko ang sakit sa may palapulsuhan ko, kinagat nga pala ako ng mga bampira.

Nananakit ang iba't-ibang parte ng katawan ko at dahil yun sa mga kagat ng mga bampira sa akin. May kagat rin ako sa hita! Sa leeg! Sa palapulsuhan! At sa braso! Aish!


Nagulat ako nang biglang bumukas yung kahoy na pinto at tumambad sa akin ang tatlong lalaki! Anong gagawin nila?! Napalunok ako dahil sa takot. Oh no! Lumapit sa akin yung isang lalaki kaya medyo napaatras ako.

"You're not a normal human." Nakangising sinabi sa akin ng lalaking lumapit sa akin. Hinawakan niya yung baba ko at tinaas yun para makita ko yung mukha niya. Kung hindi ako nagkakamali siya yung unang kumagat sa akin nung nasa gubat ako!

Muntik na akong mapatalon ng bigla niyang ibinaba ang sleeve ng blouse ko! Dahilan para masira ang unang 2 butones ng blouse ko at tumambad ang balikat ko!

"Anong g-ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kaniya. Natatakot ako! Natatakot ako sa ano mang pwede niyang gawin sa akin! May tutulong pa ba sa akin?! Mabubuhay pa ba ako?!


Hinaplos nung bampira yung balikat ko kaya napangiwi ako. May kagat rin pala ako dun?!

"You didn't turn into a vampire." Lumapit pa siya lalo sa akin kaya medyo napaatras ulit ako dahil sa takot.


Binuka niya yung bibig niya at nakita kung tumulis ang mga pangil niya habang papalapit siya sa akin! Kumuyom ang mga kamao ko dahil sa kaba! Kakagatin niya na naman ako! Napapikit ako.

"Reeve! Tama na yan! Kailangan na natin siyang dalhin kay kamahalan!" Sabi nang kasama niyang bampira. Iminulat ko ang mata ko at nakita kong nakayuko ang bampirang nasa harap ko.

Kinuha ko yung pagkakataon na yun para tadyakan siya gamit ang nakagapos kong mga paa. He glared at me after I pushed him. Nag-iwas lang ako ng tingin. Nanghihina pa rin ako, pero hindi ko sila hahayaang makalapit sa akin!

Bigla na lang akong binuhat na parang sako nang lalaking pumigil kay Reeve na kagatin ako.

"Let go of me! Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kaniya habang patuloy ako sa pagpalo ng likod niya at pagpupumiglas. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin! Aish!

Pagkalabas namin ng kulungan ay nagulat ako sa nakita ko. Marami sila! As in marami! Sila ba ang Bloody Tribe?! Ang kalaban nila Dave?! Sobrang dami nila! Triple sa dami nila Dave! Paano nila matatalo ang ganito karaming bampira?! Napansin ko rin na maraming bahay dito, this place looks like a village. May mga iba't-ibang pinagkakaabalahan ang mga bampirang nakatira dito. May mga napapatingin sa akin at biglang lalabas ang mga pangil nila at mamumula ang mata nila! That because I'm a human! Hindi ako pwedeng magtagal dito!


Love Bites: Mansion Of VampiresWo Geschichten leben. Entdecke jetzt