Chapter 12: Vampire Language

3.5K 262 1
                                    


Claire's POV



Diretso lang ang lakad ni Dave. Nakatingin siya sa daan ng may seryosong mukha. Mali lang siguro yung paglakadinig ko noh? Pero tama eh, hindi ako pwedeng magkamali. Sabi niya pinag-alala ko siya. Pero bakit naman siya mag-aalala sa akin?


Ibinaba niya na ako ng makarating kami sa may pintuan ng mansion. Nakatingin siya ng seryoso sa akin. Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit niya sinabing pinag-alala ko siya. Ewan, pero kapag naaalala ko yun, hindi talaga ako makapaniwala.


"Uhm...n-nag-alala ka sa akin?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko ako. Tinaas ko ang paningin ko sa kanya at nakita kong nagulat siya dahil sa tanong ko. Bakit?

"Ha?! Siyempre kailangan kong mag-alala sayo. Baka pagalitan kami ni Miss Lea kapag nawala ka o napahamak ka." Sagot niya. Okay? Bakit siya natataranta? Nagkibit-balikat na lang ako.

Ano bang iniisip ko? Na mag-aalala siya sa akin dahil concern siya? Siyempre hindi! Nag-aalala siya sa akin dahil baka mapagalitan siya ni Miss Lea.

"Mag-almusal ka na. Wag na wag mo nang uulitin yung ginawa mo. Magpaalam ka muna sa amin bago ka lumabas." Tumango ako at tinalikuran niya na ako.


Aaminin ko, nakaramdam ako ng dissapoinment dahil nag-alala lang siya sakin dahil ayaw niyang mapagalitan siya ni Miss Lea. Pero ano bang iniisip ko? Imposibleng maging concern siya sa akin. Siya nga ang unang kumagat sa akin diba?!


Naglakad na ako papunta sa Dining Room at nakita kong nakahanda na yung mga pagkain. Wala lang bang sasabay kumain sa akin. Baka busy sila sa basement. Umupo na ako sa isa sa mga upuan at nagsimula na akong kumain.


I suddenly remembered my parents. Tuwing kakain kami, we're always eating together. I miss their jokes, their hugs, their kisses, their voice and their love. I miss them. Mapait akong ngumiti dahil sa naisip ko. I know hindi ko na ulit sila makikita, but they will be always inside my heart.


Bumuntong hininga ako pagkatapos kong kumain. Ah! Yung libro pala! Naglakad ako papunta sa kwarto ko at kinuha ko yung libro sa ilalim ng unan ko. Pinasadahan ko ng daliri ko ang title ng libro. Bloody Tribe.

Naglakad na ako padiretso sa library para ibalik itong libro. Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko maiwasang pagkumparahin yung mga nakasulat sa libro at ang mga nakaukit sa walls nitong mansion. They really look the same. Nagkibit-balikat na lang ako.


Binuksan ko na ang pinto papasok sa library. Namangha ulit ako sa nakita ko. I don't like reading books pero napakaganda talaga ng disenyo nitong library. From the carpeted floor to the gold ceiling, everything looks royal.


Dumiretso na ako sa lugar kung saan ko nakuha itong libro. Then I saw Kris. Nakasandal siya sa lugar kung saan ko nakuha itong libro habang nakatingin siya ng seryoso sa akin. I can see his death glares behind those eyeglasses. Napalunok na lang ako at tumikhim.

"Why are you holding that book?" Seryosong tanong niya sa akin. Napakurap-kurap na lang ako dahil sa kaseryosohan ng boses niya. This is the second time that I've talk to him.

"Uhhh~ nacurious lang ako sa libro na'to kaya hiniram ko muna." Nanginginig ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun. I'm not lying, totoo na nacurious ako kaya ko 'to hiniram. Teka, hiniram ko ba 'to?

"Hiniram? Kanino mo hiniram?" Sarkastiko ang pagsasalita niya. Feeling ko nagpipigil siya ng galit. Bakit naman siya magagalit?

Hala! Paano yan?! Anong sasabihin ko?! Kanino ko ba 'to hiniram? Eh, wala naman akong pinagsabihan eh?!

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now