Chapter 11: Are you a Vampire?

3.6K 235 8
                                    

Claire's POV

Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Why did I accidentally kissed him?! Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Dave! Don't tell me mahihimatay siya! Lumayo agad ako sa kaniya at tumapak sa sahig nitong veranda.

Hawak hawak pa rin niya ang bewang ko habang nakatingin siya sa kawalan. Anong nangyari sa kaniya? Hinawakan ko ang balikat niya.

"D-Dave?" Patanong na tawag ko sa kaniya. Wala pa rin siyang nagiging reaksiyon. Tatawagin ko sana ulit siya ng bigla siyang nahimatay!

Since nakahawak siya sa bewang ko at nakahawak ako sa balikat niya ay natumba rin ako kasama niya, kaya ngayon nakadagan ako sa kaniya! Aish! Bakit ko kasi siya nahalikan?!

"Ate Claire?" Pagkataas ko ng mukha ko ay nakita ko si Tristan na nakatayo sa harap namin. Oh no!

Dali dali akong tumayo at hinarap siya. Hindi ko na pinansin si Dave na nakahiga sa sahig. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Tristan.

"T-Tristan?" Tawag ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.

"What happened?" Tanong sa akin ni Tristan. Anong isasagot ko?! Nahalikan ko siya?! Pero...nakakahiya! Paano na?!

"Uhmmm...k-kasi n-nasuntok ko siya, t-tama! Oo! Nasuntok ko siya k-kaya yan nahimatay." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin ang kasinungalingang yun. Nanginginig pa ang labi ko dahil sa takot na baka malaman niya ang totoo. Sana maniwala siya!

"Why did you punch him?" Bakit ba siya tanong ng tanong?!

"Uhhhh, kasi mi-minamanyak niya ako eh!" Kumunot pa lalo ang noo niya dahil sa sagot ko. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay nagkibit-balikat na lang siya.

"Bubuhatin ko na lang siya at ihihiga sa kama niya." Tumango ako.

Binuhat ni Tristan si Dave na parang sako. Nagulat na lang ako dahil ang lakas niya! Well ano bang iniisip ko? Bampira nga sila.

Pagkatapos niyang ilapag si Dave sa kama nito ay tinawag niya na ako para lumabas kaya sumunod na lang ako. Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi ko maiwasang magtanong.

"Tristan, nasaan pala yung mga parents niyo?" He stiffened because of my question. Teka, may mali ba sa tanong ko? "Uhhh, okay lang kahit wag mo nang sagutin."

"No, its fine." Tumingin rin siya sa akin. Isa rin pala sa pinagtataka ko, bakit niya ako tinatawag na ate, eh magkaedad lang naman kami? "Our parents our gone." Nanlaki ang mata ko dahil sa sagot niya.

"Gone as in patay na?" Gulat na tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Pero paano? Ibig sabihin wala na silang parents? "Paano sila namatay?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Ang alam ko lang ay sinakripisyo nila ang buhay nila para sa kapayapaan. Yun lang ang sinabi sa amin ni Miss Lea." Kapayapaan? Kapayapaan saan?! Kilala rin ni Miss Lea ang parents nila?! Teka, bampira rin ba si Miss Lea?!

"Bampira rin ba s-si Miss L-Lea?" Tumungo ako pagkatapos kong magtanong. Tristan chuckled. Kunot ang noo kong tumingin sa kaniya.

"Ask her." Sabi niya tapos nagpatuloy na siya sa paglalakad. Aish! Paano ko tatanungin si Miss Lea? Ang awkward naman kung tinanong ko siya na 'Bampira po ba kayo, Miss Lea?' Aish! Bahala na!

Tumakbo ako para masundan si Tristan. Ah! May tanong pa pala ako!

"Tristan! Bakit mo pala ako tinatawag na ate? Diba magkaedad lang tayo?" Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng nakangiti, bakit naman 'to nakangiti?

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now