Chapter 39: Guilty

2.1K 145 4
                                    


Eury's POV

Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Natuloy rin ang pagdalaw ko nung araw na iyon sa tribu namin, they were happy because I visited them. Marami rin ang nagpasalamat sa akin pero sinabi ko lang sa kanila na wala lang yun. Its my duty as their Princess to let them experience freedom.

Hindi ako mapakali sa higaan ko dahil sa dami ng iniisip ko kaya hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog. Halos magreklamo ako nang ginising ako ni Miss Lea kinaumagahan dahil baka malate na daw ako. At first, I don't know what she's talking about. Hindi ko alam ang tinutukoy ni Miss Lea at hindi ko alam kung saan ako mala-late.

Kaya halos mapabalikwas ako ng bangon nang sinabi ni Miss Lea kung saan ako mala-late. Muntik ko nang makalimutan ang bagay na ito!

"Ano po?!" I asked.

Nakatayo si Miss Lea ngayon sa tabi ng higaan ko habang dala-dala niya ang susuotin ko sa pagpasok sa school. Hindi ako mapaniwala na tuloy pa rin pala ang pag-aaral ko! It feels like deja vu. Ganitong ganito rin ang nangyari noong unang dating ko rito.

"Kailangan mo ng gumising Claire dahil baka malate ka na sa pasok mo." Sagot ni Miss Lea.

Hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng nagyayari ngayon. Hindi nga rin ako makapaniwala na tuloy pa rin ang pagpasok ko dahil halos dalawang buwan akong absent, siguro ay dapat na-expel na ako ngayon kung wala lang kakayahan si Miss Lea na makiusap sa Principal ng school na pinapasukan ko.

Pagkalabas ni Miss Lea ng kwarto ko ay nag-ayos agad ako. I wore my uniform na dinala pa ni Miss Lea dito sa kwarto ko.

Pagtingin ko sa salamin ay napangiti ako. I miss wearing a school uniform. Miss ko na rin ang mag-aral. Hindi ko mapagkaka-ila na gustong-gusto kong mag-aral. Its because this is my dream, pangarap kong makapagtapos, tao man ako o bampira.

Pagkalabas ko ng kwarto ko at pagkababa ko ng hagdan ay naramdaman ko ulit ang naramdaman ko kanina. Deja vu.

Wearing my school uniform and my bagpack, I'm walking down the stairs looking at the four vampires waiting for me at the double doors of the mansion. May naghihintay ring Limousine sa labas kung saan kami sasakay.

Pagkababa ko ng hagdan ay napansin ko agad na iniiwasan ako ni Tristan. He didn't even bother to look at me. Diretso lang ang tingin niya sa labas at parang tulala pa. Siguro nahihiya siya dahil sa ginawa niya? Pero hindi ko naman siya masisisi. Nagawa niya lang naman iyon dahil sa kinimkim niyang galit sa totoong pamilya ko.

Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Dave sa likod ko at bumulong.

"You'll sit beside me when we arrive at school." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya nilingon ko siya.

Halos kumalabog na naman ang puso ko ng nakita ko kung gaano kami kalapit. Hanggang dibdib niya lang ang tangkad ko kaya doon na lang ako tumingin kaysa tumingin sa mga mata niya.

"Bakit naman ako tatabi sayo?" I asked. I tried to look at his eyes but I've just avoided his gaze because of his intense stare. I even can't look at his eyes!

Tinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya para magkatinginan kami pero nanatili lang ang tingin ko sa baba. Halos umatras ako ng inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko.

"You'll know." He said, huskily.

Tumikhim ako at lumayo ng konti sa kaniya. Hindi ko pa rin naintindihan ang sinabi niya kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Nagkibit-balikat lang siya at nilagpasan ako. What the hell?! Wala akong nagawa kundi sundan lang ng tingin ang paglalakad niya. Wala ba siyang balak sabihin sa akin kung bakit?!

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now