Chapter 21: He

2.5K 170 1
                                    

Claire's/Eury's POV

The past days that I've stayed here in the castle and in our village was really boring. Pare-pareho lang ang ginagawa ko araw-araw. Walang pagbabago, walang naaalalang pamilyar at walang nadadagdag sa memorya ko. Palagi pang may nakabuntot!

Siguro hindi dito nangyari yung mga masasayang alaala ko? Hindi dito nangyari yung mga bagay na ayaw kong kalimutan? O kaya'y hindi dito nangyari ang mga alaalang tumatak sa isip ko? Kaya wala akong naalala sa isang buwan na pamamalagi ko dito?

Hay! Hindi ko alam! Nalilito na ako! Litong-lito! Bakit ba kasi wala pa rin akong maalala hanggang ngayon?! I feel like everything about this place is really unfamiliar for me.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Pagod na ako sa kakaisip kung paano ko maalala ang lahat pero hanggang ngayon ni isang alaala wala pa rin akong naaalala!

I inhaled deeply to calm myself. Tumingin ako sa nakabukas na glass door patungong veranda ng kwarto ko. Madaling araw na kaya umiihip ang malamig na simoy ng hangin at ramdam ko yun dito sa loob ng kwarto, kasabay rin ng pag-ihip ng hangin ay ang pagsayaw ng mga kurtina dito sa kwarto ko.

Nagising ako ng madaling-araw sa hindi malamang dahilan, sinubukan ko uling makatulog pero hindi na talaga ako dinadalaw ng antok, kaya napagpasyahan ko na lang na mag-isip-isip.

Naglakad ako papuntang veranda at tiningnan ang payapang kalangitan. I smiled unconsciously. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa naramdaman kong lamig. The moon shines with the stars and it gave lightness to the darkness of the night.

Napakapayapa ng pakiramdam kapag wala kang iniisip na kahit na ano at nakatingala ka lang sa kalmadong langit. I wish there will be a time that I will be this calm without thinking about my lost memories.

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na piliing kalimutan na lang ang lahat ng alaalang nakalimutan ko, hindi ko kaya, may kung ano sa sarili ko na nagtutulak sa akin na kailangan kong maalala ang lahat dahil hindi mabubuo ang pagkatao ko kung hindi ko maaalala ang lahat ng alaalang nawala sa akin.

Nagtagal pa ako dito sa veranda ng mga ilang oras. Nakakaramdam ako ng kapayapaan dito. Pinasadahan ko ng palad ko ang railings nitong veranda at bigla na lang kumirot ang ulo ko, kaya napahawak na naman ako dito!

The hell?! Napapadalas na ang pagsakit na ulo ko at hindi ko alam kung bakit! I inhaled deeply to calm myself. Siguro normal lang na sumasakit ang ulo kapag nawalan ng alaala. I guess its just normal.

Habang tumatagal ako dito sa veranda ay unti-unti nang lumiliwanag pero wala pa akong nakikitang araw. The sun will rise soon.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar na natatanaw ko dito. Our village seems calm in the morning. Napataas ang kilay ko dahil sa naisip. Sumulyap ako ng isang beses sa pinto ng kwarto ko. Laging nandiyan at nakabantay ang kawal na pingbabantay sa akin. Ngumisi ako dahil sa kalokohang naisip.

Hindi naman siguro masama kung tatakas ako diba? Baka may mas maalala ako kapag walang kawal na nakabuntot sa akin.

Dali-dali akong dumiretso sa walk-in closet ko at kumuha ng damit. I won't wear a gown today, I need to wear something that makes me in disguise! At para na rin madali akong makatakas sa mata ng mga kawal na pwedeng makakita sa akin!

Naghalungkat agad ako ng maari kong isuot sa closet ko. Bakit ngayon konlang naisipang tumakas? Well, sa nakaraang buwan masyado akong naging masunurin sa pinsan ko na hari ng bayan namin, siguro naman ayos lang kahit suwayin ko siya ngayon? I chuckled because of that thought.

Pagkatapos kong magpalit ay humarap kaagad ako sa malaking salamin na nasa closet ko. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong damit.

I'm wearing a white sleeveless blouse, a brown fitted jeans and a black high cut boots that fits me perfectly. I also tied up may hair in a ponytail, sinuot ko rin ang kulay kayumangging sling bag ko. This outfit makes me comfortable compared to my gowns.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now