Chapter 17: Devil King

3.1K 191 2
                                    


Author's Note: Thank you po sa mga patuloy na nagvovote at nagcocomment!

Just keep on voting and don't hesitate to post your comments!!!

Kung may katanungan, ayos lang pong magtanong basta kaya kong sagutin.

You can also read my new story: MY PERFECTIONIST HUSBAND

Enjoy Reading!!!

______________________

Dave's POV

Nasa harap namin ngayon yung kakilala ni Ace na miyembro nang Bloody Tribe. Pier ang pangalan niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kakampi na namin siya.



Kumunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar ang mukha niya? Saan ko ba siya nakita? Napailing na lang ako.

~Flashback~

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Sigaw ko. Kanina pa kami natahimik dito tapos ngayon niya lang sasabihin na may kakilala siya sa Bloody Tribe! Hindi ba niya alam na kailangan naming magmadali dahil nasa delikadong sitwasyon ngayon si Human?!


"Hindi kayo nagtanong." Simpleng sagot niya. Fuck! Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa lalaking to!

Bigla na lang kaming nakarinig nang malakas na hampas sa lamesa. Tumingin ako kay Kris na nanlilisik ang matang nakatingin ngayon kay Ace. Bakit? Iniisip rin ba niya ang iniisip ko?

"Traydor ka ba Ace?!" Galit na tanong ni Kris. Ano daw?! Traydor daw ba si Ace? Sabi ko na nga ba.

Wala kaming kahit anong koneksyon sa mga Bloody Tribe. Kaya nakakapagtaka talaga kapag may kakilala siyang taga Bloody Tribe. But nevermind that! Ang gusto ko lang ngayon ay ang iligtas si Human!

"What?!" Pasigaw rin na tanong ni Ace. Napailing ako. Mag-aaway na lang ba kami? "Of course not! Hindi ako traydor!" Sabi ni Ace.

Napatayo na ako at nakapamulsang lumapit sa kanila. Tinapik ko ang balikat ni Kris at hinarap ko si Ace. Kailangan naming magmadali at hindi ang mag-away.

"Kung hindi ka traydor. Paano ka nagkaroon nang kakilala sa Bloody Tribe? Patunayan mo na hindi ka traydor, Ace." Seryosong pagkakasabi ko. Tumingin ako sa mata niya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.


Ace's POV (Part pa rin po ito nang flashback pero si Ace na po ang may POV dito para mas mapadali po ang pagkukuwento. Bale nagflashback po dito si Ace.Ito po yung nangyari kung paano niya nakilala yung kakilala niyang miyembro nang Bloody Tribe.)


Naglalakad ako ngayon dito sa gubat. Napagalitan pa ako kanina ni Boss Dave dahil muntik ko nang makagat yung tao na Claire ata ang pangalan.

Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil matamis talaga ang amoy ng dugo niya at talagang maaakit ka. Kakaiba ang amoy nang dugo niya kumpara sa dugo nang ibang tao. Nakakapagtaka nga eh.

Habang naglalakad ako ay bigla na lang akong nakakita nang dalawang bampirang nag-aaway. Napangisi ako. Hindi namin kasamahan ang isa sa kanila kaya ibig-sabihin miyembro silang dalawa nang Bloody Tribe.

Humalukipkip ako at sumandal ako sa puno habang pinapanood sila. What an amazing scene. Nag-aaway ang dalawang magkatribu. Kulang nalang mapatay nila ang isa't-isa.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now