Chapter 25: Speed

2.4K 158 4
                                    

Eury's POV

"Blonde-hair guy?!" Tawag ko sa kaniya pagkalabas ko sa veranda.

Napangiti na lang ako ng nakita ko siya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at nang nakaharap na siya ay nakangisi siya. Teka, that smirked seems familiar. Pati mukha niya pamilyar rin, halos lahat na lang ata ng tungkol sa kaniya pamilyar para sa akin, pati nga yung buhok niya eh! Feeling ko talaga kilala ko siya noon, but I just can't remember it.

Tuluyan na akong lumabas ng veranda. Nakalagay yung kamay ko sa likod ko habang naglalakad ako papalapit sa kaniya. Iniwas ko rin yung tingin ko sa kaniya dahil parang may kakaiba akong nararamdaman kapag nakikita ko yung mga mata niya.

Huminga ako ng malalim ng nagkatabi na kami. Tumingala ako sa madilim na kalangitan pero may maliwanag na buwan. Napangiti na lang ako. Everytime I see this bright moon, I feel like like everything is at peace, hindi katulad ko na gulong-gulong pa ang utak ngayon, hindi alam kung sino ang paniniwalaan, hindi alam kung may dapat bang pagkatiwalaan, but one thing is for sure, after darkness there is light, pagkatapos masagot ng lahat ng bumabagabag sa isip at puso ko ay makakaramdam na rin ako ng kapayapaan.

Sinulyapan ko ang katabi ko at nakita kong nakatingala rin siya sa buwan. His intense dark brown eyes looks stunning and gorgeous. Kumikintab rin ito dahil sa liwanang ng buwan.

Napaatras na lang ako ng bigla siyang humarap sa akin, iniwas ko agad ang tingin ko at ibinaling ito sa mga daliri kong nakapatong sa may railings ng veranda. Bakit ko ba kasi siya tinititigan?

Napakunot na lang ang noo ko ng may bigla akong maalala.

Nakahawak pa rin si Dave sa bewang ko. Bakit parang pakiramdam ko safe ako kapag kasama ko siya? Iminulat ko yung mga mata ko, at tumingin ako sa mga mata ni Dave. It is a beautiful dark brown eyes. Sinapak ko ang noo ko dahil sa naisip ko!-----

Napabalik ako sa realidad ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko kaya napatingin ako sa katabi ko.

"Are you okay?" Napakurap-kurap ako. What's that memory? Totoo bang nagyari yun noon? Or I'm just hallucinating? Itinagilid ko ang ulo ko. Imposible namang naghahalucinate lang ako. For sure that's a memory. Pero bakit ako nakaupo sa railings? And...Oh! D-Dave ba yung pangalan niya? Based on my memory yun yung pangalan niya eh. "Eury?" Napalunok na lang ako ng narinig kong tinawag niya yung pangalan ko. Even my name sounds good when he says it.

"I'm fine, D-Dave." Pagkatapos kong sabihin yun ay nakita kong nanlaki yung mata niya at dahan-dahan nagkasalubong ang kilay niya.

"You remember me?" He asked. Dahan-dahan naman akong napailing.

"No, I just remembered a scene. Nakaupo ako nun sa railings ng veranda tapos hawak-hawak mo yung beywang ko and I remember your name, yun lang." Napayuko ako pagkatapos kong sabihin yun.

Oo, pamilyar siya sa akin at sigurado akong malaki ang parte niya sa mga nawawalang alaala ko. But I can't ask him. Hindi ko pa alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o kung mapagkakatiwalaan ko ba siya. Aish! Hindi ko na alam kung anong iisipin ko! Mas mabuti pang ibahin ko na lang yung topic.

"Oo nga pala, si Pier ang nagpapunta sayo dito diba?" I asked. He nodded as an answer. "Pero bakit naman ganitong oras ka pumunta?" Nagkibit-balikat siya.

"Kapag umaga ako pumunta baka makita o mahuli ako ng mga kawal, I know that you want this to be a secret. Gusto mong isikreto sa lahat pati na rin sa hari niyo na magpapaturo ka sa aking kontrolin ang kakayahan mo bilang isang bampira diba?" I nodded. Totoo naman eh, I want this to be kept as a secret, baka kasi kapag nalaman ng pinsan ko, pagbawalan niya ako. Hindi ko pa naman alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. But something caught my attention, sabi ni Dave, 'hari niyo', instead of 'hari natin', so ibig sabihin hindi nila hari, that means...

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now