Chapter 27: Feeling

2.2K 163 2
                                    


Eury's POV

Naglakad ako papalapit sa mga paintings at pinasadahan ko ito ng mga daliri ko. Malalaki yung mga paintings na 'to, halos kasing-tangkad ko na ang bawat paintings.

Sa baba ng mga paintings ay may mga nakaukit na salita. I guess it was the name of the vampires that was painted in each paintings.

Binasa ko ang mga pangalang nakaukit sa baba ng mga paintings. Nagsisimula ito sa lolo ni Mommy.

King Francis Blood, my mother's grandfather and his wife Queen Thea Blood, sila yung nasa pinakatuktok ng mga paintings. Sumunod naman ay ang kanilang nag-iisang anak na si King Arthur Blood, my mom's father and his wife Queen Belle Blood, my mom's mother. Sumunod naman ay ang kanilang dalawang anak, Prince Hans Blood, my uncle and Crown Princess Isabelle Blood, my mother.

Kumunot ang noo ko. Teka, bakit si Mommy ang Crown Princess? Kung si Mommy ang Crown Princess noon ibig sabihin dapat siya ang reyna ngayon diba? And I will be the next crown princess. Pero isa pa sa pinagtataka ko ay bakit si Mommy ang susunod sa trono. It supposed to be my uncle because he is the first child, right? At ang hari na ngayon ay si Frederick. Siguro hindi lang updated itong paintings? Aish! Bakit parang ang gulo?! Tinuloy ko na lang ang binabasa ko.

Beside my uncle's painting is his wife, Duchess Carolina Blood and besides my mom's painting is my father, Duke Liam Blood.

Blood? Bakit si Daddy ang nagpalit ng last name? It should be my Mom, right? Dahil siya ang babae. Siguro dahil prinsesa si Mommy kaya ganun? Ramdam kong kunot na kunot na ang noo ko ngayon dahil sa pag-iisip.

Isa pa sa napansin ko ay ang mata ni Daddy. Compared to the eyes of the other paintings, si Daddy lang ang may itim na mata, lahat sila ay pula ang mga mata, siguro hindi lang inilabas ni Daddy ang pagkabampira niya. Isa pa ay, wala ako sa paintings. It only ended to my cousin, Frederick Blood, there is no, Eury Blood. Bakit wala ako? Why do I feel like this is so mysterious?

Pakiramdam ko sobrang daming sikreto ang nakatago sa likod ng mga paintings na 'to at gusto kong malaman ang lahat ng yun. Something is pushing me to learn about the truth, to find out the secrets and solve the mysteries pero paano? This is getting more and more complicated, lalo na ngayon dahil hindi ko pa naalala ang lahat.

Bigla na lang pumungay ang mga mata ko at nablanko ang isip ko ng napagtanto kong ito pala ang unang araw na nakakita ako ng image ni Mommy at Daddy.

I smiled unconsciously. Ramdam ko ang pagbagsak ng mga luha ko sa pisngi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Daddy at Mommy. Their lips are not smiling but their eyes are. Kitang kita ko ang mukha nila ngayon kaya hindi ko maiwasang ikumpara ang itsura ko sa kanila.

My black hair is like my mom's hair. My eyes is like my Dad's eyes, itim na itim. Pareho rin kami ng ilong ni Daddy. At ang kapulahan naman ng mga labi ko ay nakuha ko kay Mommy but its shape is like my Dad's lips.

Habang tinitingnan ko ng matagal ang painting ay nagtataka ako dahil lahat sila ay magkakaparehong pula ang mata, pulang pula ang labi at may pale na skin except for my Dad.

Iba ang itsura ni Daddy. He has a moreno skin, his eyes is black and his lips is not that red, medyo pinkish lang ito pero hindi pulang pula. Kung ako ang tatanungin, iisipin ko na tao si Daddy pero imposible naman yun, diba?

Hala! Paano pala kung hinahanap na ako?! Luminga-linga ako sa paligid. Paano pala ako makakalabas dito?! Hindi ko naman sinasadyang makapasok dito eh!

Luminga-linga ako hanggang sa may napansin akong kakaiba. Naningkit ang mga mata ko. Lahat ng nandito sa loob ay mga paintings pero bakit may statue dito ng isang kawal na may hawak na totoong sword? Lumapit ako doon.

Love Bites: Mansion Of VampiresWhere stories live. Discover now