Kabanata 1

1K 39 35
                                    

"Ang sarap talaga ng manggang may bagoong. Ganito rin kaya kasarap ang magmahal?" Natahimik si Mari Casa habang ang tingin ay nasa kawalan at iniisip ang pakiramdam ng nagmamahal. Tila gusto na niyang maramdaman iyon ngunit sa dami na rin ng nanligaw sa kaniya ay wala siyang natipuhan.

Napabuntong-hininga na lang si Mari Casa matapos maisip na tila tatanda na siyang dalaga. Idinaan na lang niya ang nararamdaman sa pagkain ng puwede pang makain sa mangga na hawak niya na halos makita na ang buto sa ginawa niyang pagsimot. Kung ang iba ay baliw na baliw sa K-pop, siya naman ay sa mangga lalo na kung may kasamang paborito niyang bagoong.

"Mali ka, dahil mas masarap pa riyan ang magmahal."

Sinulyapan ni Mari Casa ang kaibigang si Debot na nakaupo rin sa harap ng lamesa at bahagya siyang napakunot. "Kaya pala halos magpakamatay ka nang makipag-break sa iyo si Troy."

"Alam mo naman kasi na mahal na mahal ko siya."

"Tama nga ang sabi na may kaakibat ang sarap ng sakit."

Lumaki ang mga mata ni Debot at napatakip ito sa bibig. Ilang sandali ay inalis din nito ang pagkakatakip doon. "Masakit lang talaga sa umpisa pero kapag nasanay ka na, magiging masarap na."

Sinamaan ni Mari Casa ng tingin si Debot. "Ewan ko sa iyo, Bakla. Hinahawaan mo pa ako ng kalibugan mo. Alam mo, kung naging tunay kang lalaki, ang dami mo nang anak."

"Hoy, pareho tayong manyak 'no at saka wala namang bastos sa sinabi ko. Sadyang marumi lang talaga ang isip mo. Ganiyan daw talaga kapag matandang dalaga na, tigang na tigang na."

"Hoy, twenty-six pa lang ako kaya pasok na pasok pa ako sa kalendaryo 'no."

Tumayo na si Mari Casa para ligpitin ang mga kalat sa ibabaw ng lamesa. Nagmadali na rin siya para makabalik na sa puwesto nila ng kaniyang ina. Batid niyang naghihintay na ito sa kaniya lalo pa at ang sabi niya, kalahating oras lang siyang mawawala para kumain ng mangga at pananghalian sa bahay ng kaibigang si Debot.

"Inday, bata pa lang tayo, mag-bestfriend na tayo. Wala naman akong napapansing kakaiba sa iyo pero nagtataka na talaga ako dahil napakapihikan mo sa mga lalaki. May dapat ka bang aminin?"

"Ano naman ang aaminin ko sa iyo aber?" tanong ni Mari Casa habang abala siya sa pagliligpit sa lamesa.

"Huwag kang mag-alala, kahit ano ka pa, tanggap kita."

Napailing na lang si Mari Casa sa sinabi ng kaibigan. Hindi na lang niya ito pinansin kahit batid niyang nakatingin ito sa kaniya. Nagpatuloy na lang siya sa paglipit para makapagtinda na ulit dahil sa pakiwari niya, marami nang bumili sa tinda nilang mga prutas.

"Tomboy ka ba?"

Muntikan nang mabitiwan ni Mari Casa ang mangkok na naglalaman ng masarap na bagoong dahil sa itinanong ni Debot sa kaniya. Sinulyapan niya ito na nakaupo pa rin sa harap ng lamesa. Sandali niya itong tinitigan bago siya magpakawala nang malakas na tawa.

Hindi alam ni Mari Casa kung ano ang pumasok sa isip ni Debot para paghinalaan siya nitong tomboy. Nasabi na nga niya rito kung ano ang tipo niya sa lalaki at kung gaano kalaki ang gusto niya ngunit napaghihinalaan pa rin siyang may pusong lalaki dahil lang sa pagiging pihikan niya. Sadyang hindi lang talaga niya makita sa mga manliligaw ang tipo niya sa isang lalaki.

"Tama ang kutob ko 'no?"

Itinabi muna ni Mari Casa ang mangkok sa pingganan bago siya umupong muli sa harap ng lamesa. "Alam mo, nasobrahan ka lang yata sa bagoong. Sa ganda kong 'to, magiging tomboy ako?"

"Nagtataka lang kasi ako, Day, na kung bakit NBSB ka, maganda ka naman. Maputi ka at medyo sexy. Naiinggit nga ako sa bilugin mong mga mata saka sa medyo matangos mong ilong. Pati nga labi mo, maganda. Bagay na bagay ang medyo red sa medyo makapal mong labi."

Borrow for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon