Kabanata 4

425 22 21
                                    

"Ano ka ba, paulit-ulit naman tayo eh. Ayaw mo ba talagang maniwalang nagkita nga kami kagabi," malapad ang ngiting pahayag ni Mari Casa habang inaayos ang mga prutas.

Pasado ala-sais na ng umaga kaya kailangan na niyang ihanda ang mga tinda dahil ilang minuto lang ay alam niyang dadagsain na sila ng mga kostumer. Ang mama naman niya ay bumalik sa bahay nila at kinuha ang nakalimutang iba pang mga prutas. Nagpatulong na rin siya kay Debot dahil tapos naman na itong mag-ayos ng paninda.

"Ano 'to, destiny kayo ganoon?"

Huminto si Mari Casa sa ginagawa. Napahawak pa siya sa dibdib at saka malapad na ngumiti. "Parang ganoon na nga."

Gustong tumalon ni Mari Casa sa sobrang kilig ngunit pinigilan lang niya dahil nahihiya siya sa mga kapwa niya tindera. Mahirap na at baka mapagkamalan pa siyang sinapian kaya naman idinaan na lang niya sa pagngiti ang nararamdamang kilig na tila mabibiyak na ang labi niya. Ganoon siya dahil hindi pa rin siya makapaniwala na makikita niya ulit si Arthur na tila gusto na niyang isipin na itinadhana nga yata silang dalawa.

"Tigilan mo nga ako sa kagagahan mo. Ibato ko sa iyo 'tong hawak kong mansanas para magising ka. Baka kasi inaantok ka pa."

"Arthur ang pangalan niya, Inday." Napabuntong-hininga si Mari Casa at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya na talagang bagay na bagay kaming dalawa."

"Ay, gaga nga talaga."

Sinulyapan ni Mari Casa ang kaibigan at sinamaan niya ito ng tingin. "Tandaan mo 'tong sasabihin ko, siya ang una kong magiging boyfriend. Kasi kung hindi siya, pipiliin ko na lang maging matandang dalaga."

"Ganern? Sige ka, hindi mo matitikman ang pinakamasarap na letter S na nagtatapos sa letter X." Napailing si Debot at nilapitan nito si Mari Casa. "Ano naman ang gagawin mo para mapansin ka niya? Huwag mong sabihing gagayumahin mo siya?"

"Eh kung kailangan kong maghubad sa harapan niya, why not, mapansin lang niya ako."

"Gaga ka. Na-turn off naman siya sa'yo. Sigurado ka bang walang sabit 'yon? Baka may girlfriend na 'yon or worst, may asawa at anak na."

"Huwag ka namang nega, Bakla. Nananalig ako na single siya."

Nakita ni Mari Casa ang paglaki ng mga mata ni Debot na ipinagtaka niya. May iningunguso ito sa likuran niya. Napagsiyahan niyang lingunin ang likuran at gayon na lang ang saya niya nang makita si Arthur. Nakangiti ito sa kaniya na halos ikabaliw niya. Tila may anghel na nakangiti sa kaniya.

"Mukhang bibili yata, Inday," turan ni Debot.

"Libre lang 'tong puso ko. Bibilhin mo ba?" Natauhan lang si Mari Casa nang mahina siyang tapikin ng kaibigan. Hindi niya alam, kapag nakikita niya si Arthur ay tila nawawala siya sa sarili. "Ah, ang ibig kong sabihin, ano'ng bibilhin mo?"

"Magkano ba 'tong orange?"

"Libre na lang, pakyawin mo ba? Sama mo na rin 'tong puso ko." Hininaan ni Mari Casa ang huli niyang sinabi kahit pa gusto niya iyong isigaw. Pilit niyang pinipigilan ang kilig na nararamdaman kahit pa pakiramdam niya, anumang oras ay mangingisay siya.

"Ten pesos ang isa n'yan, Arthur. Alam ko ang pangalan mo kasi nabanggit ka sa akin ni Mari Casa."

"Ayaw kasi niyang maniwala na nagkita tayo kagabi."

"Oo, nagkita nga kami kagabi."

Sinulyapan ni Mari Casa si Debot at bahagya siyang lumapit dito. "See? Panoorin mo ako kung ano ang gagawin ko para bukas, kami na agad." Hindi ipinarinig ni Mari Casa ang sinabi niya dahil ayaw niyang masira ang imahe kay Arthur. Ilang sandali pa ay ibinalik niya ang tingin dito.

Borrow for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon