Kabanata 29

269 16 17
                                    

Napapangiti si Mari Casa sa tuwing mararamdaman niya ang masuyong pagpisil ni Arthur sa kaniyang kamay habang naglalakad sila nito. Ngayon ay alam na niya kung bakit gusto ng mga magkasintahang magkahawak ang kamay habang naglalakad dahil masarap sa pakiramdam ang senaryong iyon. Noon, sa tuwing makakakita siya ng mga magkasintahang magka-holding hands ay napapangiwi na lang siya. Corny ang tingin niya sa ganoon ngunit ngayon ay nalaman na niyang romantic pala iyon.

"Sige, tingin pa. Kapag ikaw talaga nadapa," pang-aasar ni Debot kay Mari Casa. Palagi itong nakabuntot saan man magpunta sina Mari Casa at Arthur na tila isa itong bodyguard.

Napabuntong-hininga na lang si Mari Casa at itinuon niya ang tingin sa unahan. Mas lumapad pa ang ngiti sa labi niya dahil napakasaya niya lalo pa at isang linggo na niyang kasama si Arthur bilang asawa. Pakiramdam nga niya ay tunay niya itong asawa lalo pa kapag aasikasuhin siya nito.

Kahit hindi alam ni Mari Casa ang buhay na may asawa ay mabilis siyang nakapag-adjust dahil mahal niya si Arthur. Kung paano siya nito pagsilbihan bilang asawa ay ganoon din ang ginagawa niya. Hindi man niya alam kung paano pakitunguhan ni Roxanne ang asawa nito ay nakasisiguro siyang mabuti itong asawa para kay Arthur. Itinuring na rin niyang parang anak si Abby at sa tuwing iisipin niya na darating ang araw na aalis siya sa katawan ni Roxanne ay nalulungkot siya dahil napamahal na siya sa anak nito.

Tulad ng karamihan, hirap din si Mari Casa na pakitunguhan ang biyenan ni Roxanne. Pakiwari niya ay may heater sa katawan si Mama Rose kaya palaging kumukulo ang dugo nito sa kaniya. Hindi tuloy niya maisip kung paano nakakayan ni Roxanne ang biyenan nito. Sa kabila niyon, naging mabuti si Mari Casa kay Mama Rose na kahit halos apakan na nito ang pagkatao niya ay balewala iyon sa kaniya. Hangga't hindi dumarating ang kaluluwa ni Roxanne ay aakuin niya ang responsibilidad nito bilang ina at asawa.

"Picture tayo, Arthur." Kinuhaan ni Mari Casa ng litrato ang sarili kasama si Arthur gamit ang cellphone binili nito sa kaniya. "Picture-an mo naman ako rito, Arthur."

Nakangiting tumango si Arthur at kinuha nito ang cellphone mula kay Mari Casa. "Kailangan 'yong pinakamagandang ngiti ang makita ko rito sa picture ah."

Tumabi si Mari Casa sa puno at sinadya niyang tumama sa kaniya ang kulay kahel na sinag ng araw. Hinawakan niya ang batok at ang isang kamay niya ay inilagay niya sa beywang. Matapos makapag-fierce face ay bahagya niyang ikinurba ang dibdib. Tumango siya bilang senyas na kuhaan na siya ni Arthur ng litrato.

"Ano, maganda ba?" tanong ni Mari Casa kay Arthur. Napailing na lang siya dahil nakangiti si Arthur habang nakatingin ito sa cellphone. Tila pinagtatawanan nito ang picture niya.

"Napakaganda mo rito," nakangiting tugon ni Arthur at lumapit na ito kay Mari Casa para ibigay ang cellphone.

"Nasaan na 'yong picture ko? Akala ko ba maganda ako roon?" Nakakunot-noo si Mari Casa habang iniisa-isa niyang tingnan ang mga litrato sa gallery.

"Binura ko na, hindi ko kasi gusto 'yong pose mo." Bahagyang tumawa si Arthur at muli nitong hinawakan ang kamay ni Mari Casa. "Huwag mo nang uulitin 'yon ah?"

"Ang landi mo kasi roon, Inday. Mamaya, hindi pala ganoon si Roxanne. Edi nabuking ka." Napailing na lang si Debot habang nakatingin ito kay Mari Casa.

Sumunod na lang si Mari Casa kay Arthur. Ipinaubaya na niya kung saan siya nito dadalhin. Sa mahigit tatlong oras nilang pamamasyal, tila nalibot na nila ang lugar kung saan nakatira si Arthur. Tila hindi na rin siya maliligaw kung sakaling mapadpad siya sa ibang lugar.

Napakunot-noo si Mari Casa matapos makita ang pagkukumpulan ng mga tao. Lumapit sila roon ni Arthur para na rin malaman kung ano ang nangyayari lalo pa at may iilang pulis din ang naroroon. Mas nadadala siya ng kuryosidad sa tuwing sisigaw ang mga tao.

Borrow for LoveWhere stories live. Discover now