Kabanata 5

421 25 16
                                    

Malalim na napabuntong-hininga si Roxanne nang yakapin siya ni Greg. Hinalikan siya nito sa labi ngunit hindi niya ito sinuklian dahil abala siya sa pagmamasid sa paligid sa pangambang maaring nasundan siya ng kung sino man ang sumusunod sa kaniya. Wala siyang ideya kung sino ang puwedeng gumawa niyon sa kaniya dahil nakasisiguro siyang wala pang alam si Arthur sa pagtataksil niya rito.

"Kanina pa ako. Bakit ngayon ka lang, Roxanne?"

Kumalas si Roxanne mula sa mga bisig ni Greg. "Para kasing may sumusunod sa akin kaya niligaw ko muna. Saglit ka lang ba rito?"

"Gusto ko mang magtagal kaya lang, nagpaalam lang ako sandali sa boss ko. Mabuti na lang malapit dito ang kliyenteng imi-meet ni Boss."

Tanging pagtango lang ang naging tugon ni Roxanne. Nadismaya siya dahil akala pa naman niya ay puwede silang magsama nang matagal. Akala rin niya ay makapamamasyal sila nito.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" nakangiting tanong ni Greg at muli nitong niyakap si Roxanne. "Hayaan mo, susubukan kong makipagkita sa iyo mamaya. Alam ko naman na gusto mo nang magpunta tayo sa langit."

"Ako ang tatawag sa iyo. Mahirap na baka mabuking pa tayo."

Tumango si Greg at kumalas ito sa pagkakayakap kay Roxanne. "Basta wala nang atrasan ah? Isang buwan na rin akong naghihintay na magawa natin ang plano. Ayoko na ng ganito, Roxanne. Mag-iisang taon na tayong magkarelasyon pero nagtatago pa rin tayo."

"Hindi naman kasi basta-basta ang plano natin. Isa pa, kailangan ba talaga nating gawin 'yon?"

"Akala ko ba nakapagdesisyon ka na? Huwag mong sabihing umaatras ka na?"

Napasapo si Roxanne sa noo dahil naguguluhan siya. Gusto niyang maghiwalay na sila ni Arthur dahil kahit ni katiting na pagmamahal ay wala na siyang nararamdaman para sa asawa ngunit tila hindi niya kayang sikmurahin ang gagawin ni Greg.

"Alam kong alam mong hindi ka na rin mahal ni Arthur, Roxanne. Ako lang nagmamahal sa'yo nang totoo."

Nagpakawala si Roxanne ng malalim na buntong-hininga matapos siyang yakapin ni Greg. Naramdaman din niya ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang leeg. Hinayaan lang niya ito dahil wala namang tao sa kinaroroonan nila.

"Please, huwag ka nang magdalawang-isip pa. Ituloy na natin ang plano at isa pa, para namin sa future natin ang gagawin natin."

Tumango si Roxanne. "Bigyan mo pa ako ng isang buwan para gawin ang parte ko."

"Matagal ang isang buwan pero maghihintay ako. Pagtapos ng isang buwan na 'yon, kailangan nasa sa'yo na lahat ah? Ako nang bahala sa parte ko at promise, walang makaaalam kahit pa ang kontrabida mong biyenan."

Nagngitngit sa galit si Roxanne matapos maisip ang mga ginawa ng biyenan niya sa kaniya. Tanging pagpapakawala na lang ng malalim na buntong-hininga ang nagawa niya lalo pa at alam niyang malapit na rin niya itong magantihan.

"Baka naman nagse-sex pa kayo ni Arthur, Roxanne?"

Kumalas si Roxanne sa mga bisig ni Greg at nakataas ang kilay na tiningnan niya ito. "Hindi na nga ako tumatabi sa kaniya kapag natutulog, makipag-sex pa kaya?"

"Bakit, mas magaling ba ako kay Arthur?" pilyong tanong ni Greg at bahagya pa nitong inilabas ang dila at saka pinaikot sa labi nito na tila nang-aakit.

Napaupo si Roxanne matapos siyang mabunggo ng nagmamadaling babae na may dalang dalawang paper bag. Mabuti na lang ay hindi malakas ang pagkakabagsak ng puwitan niya. Sa kabila niyon ay nakaramdam pa rin siya ng galit sa nakabunggo sa kaniya.

"Pasensya na, nagmamadali kasi ako," paghingi ng tawad ng babae na ang edad ay naglalaro sa singkuwenta. Abala ito sa pagdampot ng mga mansanas at orange.

Borrow for LoveWhere stories live. Discover now