Nagsimula ang lahat sa isang confession. Marifa confessed her feelings to Benj-ang nag-iisang lalaking pinag-ukulan niya ng pagmamahal buong college life niya. Ang buong akala niya ay matutumbasan nito ang kaniyang damdamin subalit isang malaking pagkakamali pala iyon-he rejected her. Pagkatapos ng apat na taon, muli niyang nakadaupang palad si Benj. Sinubukan niyang iwasan ito ngunit tila pinag-ti-trip-an talaga siya ng tadhana. Because of some happy accident at work, she was tasked to face him and have a one on one interview with him. Ang buong akala niya ay nagawa na niyang ibaon sa limot ang feelings para sa binata ngunit nang magkalapit silang muli, na-realize niya, mahal pa rin pala niya ito. Sinubukan niyang balewalain ang kaalamang iyon ngunit nang iparamdam sa kaniya ni Benj na nakahanda na nitong tumbasan ang kaniyang damdamin ay tuluyan nang bumigay ang puso niya. And then it happened-another confession but looks like she was doomed to have a second heartbreak. Magkaroon pa kaya ng totoong happy ending ang love story nila?