Forty-one

1.1K 11 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Marifa habang naglalakad palabas ng vet hospital. Pakiramdam niya ay biglang naubos ang lahat ng enerhiya sa kaniyang katawan matapos niyang hindi sinasadyang marinig ang pag-uusap ni Benj at ng isang colleague nito. Hindi na niya itinuloy ang plano na panonorpresa sana rito at sa halip ay umuwi na lamang siya sa kanilang boarding house. Pagdating doon ay naabutan niya si Charina na nanonood ng TV.

"Oh, hi, ate!" nakangiting bungad nito sa kaniya. "Umuwi ka raw ng probinsiya ang sabi ng landlady natin?"

"Oo, Cha," nanghihinang tugon niya rito. Pinilit niyang ngumiti rito ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. Kinuha niya mula sa bag ang cookies na ibibigay niya dapat kay Benj. "Do you want some cookies?"

"Oh, yey!" napapalakpak naman na naibulalas nito. Nakangiting kinuha nito mula sa kaniya ang box ng naturang cookies ngunit agad ring nahalinhan ng pag-aalala ang mukha nang mapansin na balisa siya. "Wait, okay ka lang ba, ate?"

"I'm okay, Cha," pagsisinungaling niya rito. Tinapik-tapik niya ito sa may braso. "Sige na, magpapahinga lang muna ang ate."

Bago pa tuluyang bumagsak ang nakasilip na luha sa gilid ng kaniyang mga mata ay dali-dali na siyang nagtungo sa kanilang room. Padapa siyang nahiga sa kaniyang kama at isinubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang unan.There, she cried her heart out. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Parang noong isang araw pa lamang ay nagpalitan sila ng pangako ni Benj na wala nang kahit na anong makakapaglayo sa kanila. Ang bilis naman yatang sinubok ng tadhana ang pangako nilang iyon sa isa't-isa.

"It was a dream come true for you! Hindi ba at matagal mo nang pangarap ang makapangibang-bansa? Now, you finally have the chance right around your fingertips!"

Pangarap, pangarap na naman, naghihinanakit na naisaloob ni Marifa. Humigpit ang pagkakakapit niya sa pillowcase. Hindi ba at minsan nang inuna ni Benj ang mga pangarap nito kaysa sa kaniya? Hindi ba pupuwedeng ngayon ay siya naman ang unahin nito? Hindi ba pupuwedeng sa pagkakataong iyon ay maging makasarili siya?

"Listen, Benj, I don't know who is this woman but I'm telling you, kung talagang mahal ka niyan, hindi niya nanakawin ang oportunidad na ito mula sa'yo."

Parang batingaw na sunod na umalingawngaw sa isipan ni Marifa ang mga salitang iyon ng colleague ni Benj. But he's right, patuloy ang pagluha na naisaloob niya. Kung talagang mahal niya si Benj, he will not get into the way of his dreams. Pipiliin niyang gawin kung anong tama. Hindi siya magiging makasarili at buong puso niyang ipagkakaloob rito ang oportunidad na iyon. But damn! napahikbi siya. Why is it so hard to do the right thing for the person you love the most?

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now