Two

2.3K 26 2
                                    

NAGSIKUHAN ang dalawang babae sa front desk ng animal shelter nang dumaan si Benj kasama ang dalawa pang kaibigang beterinaryo. Hindi iyon pinansin ni Benj. Sa halip ay diretso lang ang tingin na tuloy-tuloy siyang naglakad.

"I wanted to say, ako ang dahilan kaya nagsikuhan ang dalawang babae sa front desk, but I'm not." wika ni Arjay saka sumulyap sa kaniya. "How to be you po, Doc Buencamino?"

"Hey," saway naman rito ni Benj na mistulang nahihiya. "Nakita ko, hindi sila sa akin nakatingin—kay Crossby."

"Paano mo makikita eh diretso lang lagi ang tingin mo?" nakatawang buwelta naman sa kaniya ni Crossby. "Aminin mo na kasi, hanggang ngayon, heartthrob ka pa rin."

"Walang kupas!" susog naman ni Arjay. "Kung tama ang pagkakaalala ko, noong college tayo, may nag-confess pa sa'yong taga-College of Arts and Sciences hindi ba, Benj?"

Natigilan si Benj sa narinig na tinuran ni Arjay. Sa isang iglap ay bigla ang pagragasa sa kaniya ng alaala ng tinutukoy nitong babae—si Marifa. She was the one who consulted his dog to him through a facebook chat. He helped her at magmula noon ay nagkapalagayan sila ng loob. Palagi itong nagpapadala ng message of encouragement tuwing darating ang exams. Dinadalhan rin siya nito noon ng pagkain katulad ng pastillas at oatmeal cookies. Pinapahiram rin siya nito ng mga libro nito. She confessed to him but he turned her down. Eventually, she graduated to her course and left the campus, habang siya naman ay naiwan para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng Doctor of Veterinary Medicine. Magmula noon ay wala na siyang naging balita pa rito.

"Matagal na 'yon, Arjay," sabi niya rito.

"I know but you just can't forget that kind of girl!" bulalas nito. "I mean, goodness, she must really liked you so much!"

She was indeed unforgettable, ang lihim na naisaloob ni Benj. Ang totoo niyan, even after he turned her down, hinahanap-hanap niya pa rin yung mga good luck messages nito sa kaniyang inbox. Nag-e-expect pa rin siya na isang araw ay muli niya itong makakasalubong sa CVSM o kahit na saang bahagi ng campus. Pero hindi iyon nangyari. Sinubukan niyang i-view ang profile nito sa facebook pero hindi na niya iyon ma-access. She must be really hurt that she deleted her own account para lang maiwasan siya. Hanggang ngayon, kahit na apat na taon na ang nakalipas, may mga pagkakataon na bigla na lamang niya itong naaalala. Ayaw man niyang aminin, but a part of him regrets the fact that he turned her down before.

"We should eat," pagkuwan ay pagliliko na ng usapan ni Crossby na lihim naman niyang ipinagpasalamat. "Ginutom ako sa medical mission na ginawa natin doon sa animal shelter."

Nagdesisyon sila na magtungo sa unang fast food restaurant na kanilang namataan. Kakaunti pa lamang ang tao pagdating nila kaya madali silang naka-order at nakahanap ng table. Subalit di kalaunan ay unti-unti nang dumami ang tao. Dahil malapit lang sa counter ang napiling table ay tanaw na tanaw nila ang paghaba ng pila doon. Benj honestly don't care—not until he suddenly noticed this particular lady. Matangkad, morena, at mahaba ang buhok. Pinagmasdan niya itong mabuti—he was stunned nang mapagsino ang mukha nito. Hindi siya maaaring magkamali—it was Marifa. A part of him was delighted to see her pero sandali lamang iyon. Kaagad din nawala ang pagkagalak na kanyang nararamdaman lalo pa nang makita ang lalaking nakaakbay sa mga balikat nito.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now