Three

2.1K 24 4
                                    

"NAKAKALOKA kang babae ka!" bulyaw kay Marifa ni Jastin pagkalabas na pagkalabas nila ng naturang fastfood restaurant. "Ano bang problema mo?"

"Okay, kalma!" sabi niya sa kaibigan pero siya naman itong mistulang nakipagkarera pa rin sa mga kabayo. "Kalma lang, besh."

"Hello, hindi kaya ikaw ang dapat kumalma diyan, besh?" pinaikot nito ang mga mata. "Saka, gaga ka, paano ako kakalma?! Nadala ko pati yung kutsara at tinidor nila doon sa loob sa kamamadali mo! Mabuti nalang hindi tayo nakita ng guard, loka!"

Kung ibang sitwasyon lang siguro ito ay tatawanan niya nang tatawanan ang kaniyang kaibigan sa kalokohan nito. Ang kaso pati yata lamang-loob niya ay tensyon na tensyon ngayon. Nakita niya si Benj! Pagkatapos ng apat na taon—nakita niya uli ito!

"Nakita ko siya," habol pa rin ang hininga na sabi niya kay Jastin. "Nakita ko siya, Jas!!!"

"Sinong nakita mo, besh?" tanong naman nito habang pilit ipinapasok sa bag nito ang naumit na kutsara at tinidor. "Artista ba?"

Sinimangutan niya ito. Sinubukan niyang balikan sa isip ang hitsura ng binata kanina. Nakita rin kaya siya nito?

"Huy!" pukaw sa kaniya ni Jastin na hinila pa ang kaniyang buhok. "Sino kakong nakita mo, vhakla ka!"

"The guy I liked back in college." Napalunok siya. "Nakita ko uli siya pagkatapos ng apat na taon, Jas!"

Sa pagkakataong iyon ay si Jastin naman ang napasimangot. "Really?" sabi nito sa kaniya. "Kinaladkad mo ako palabas ng fast food restaurant na 'yon dahil lang sa nakita mo uli yung dati mong crush?"

"Hindi mo naiintindihan, eh!" ang muryot niya. Napalinga-linga siya sa paligid. Pagkuwan ay hinila niya ito palapit. "Nagconfess ako sa kanya—he turned me down."

Natutulalang napasulyap sa kaniya si Jastin. Para bang sinisigurado na tama pagkakarinig nito sa kaniyang sinabi. Kagat-labing tumango siya.

"My gulay, besh!" pagkuwan ay bulalas nito na hindi malaman kung matatawa o ano. "Nakakahiya!!!"

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora