Four

1.9K 22 2
                                    

"ATE?" pukaw ni Charina kay Marifa. Boardmate niya si Charina at magkasama sila sa may room. "Hindi ka ba papasok sa work ngayon?"

Hinila ni Marifa pababa sa kaniyang mga mata ang kumot na nakatalukbong sa kaniyang mukha. She gave her an I-don't-know look. Buong weekend na siyang nagmumukmok sa boarding house pero hanggang ngayon ay tila wala pa rin siyang ganang lumabas para pumasok sa trabaho. For some reason, seeing Benj again after four years left her so helpless. Ilang gabi na siyang hindi nakakatulog dahil dito. Iniisip-isip niya kung tulad niya ay nakita rin kaya siya nito o kung ano ang ginagawa nito malapit sa area ng kaniyang workplace.

"Okay, ate, mauuna na ako sa'yo kung gano'n!" kibit-balikat na paalam ni Charina nang walang matinong sagot na matanggap mula sa kaniya. "See you later!"

Bahagya lamang bumangon si Marifa mula sa pagkakahiga sa bed. Kumaway siya kay Charina. Nang tuluyan na itong mawala sa kaniyang paningin ay muli niyang ibinagsak ang kaniyang katawan sa may bed. Napabuntonghininga siya—hangga't maaari sana ay iniiwasan niyang gawin ang bagay na naiisip pero alam niyang hindi siya matatahimik. Dinampot niya ang kaniyang laptop sa ilalim ng kaniyang bed. Sinearch niya ang lalaki sa isang social media site.

"Joseph Benjamin Buencamino," usal pa niya habang itinatype ang pangalan nito sa may search bar. Hindi siya nahirapan makita ang account nito dahil unang-una iyon sa mga search result. She tapped it and start scrolling into his profile. Natuklasan niya na hindi ito nagbago ng account nang makita niya ang timeline nito. Ito pa rin ang kaparehong account kung saan niya ito madalas i-chat para magtanong sa alagang aso at magpadala ng good luck messages every exams noon. Unfortunately, magsimula nang i-delete niya ang dating account ay nawalan na siya ng connection dito. She starts reading the current information about him. Natuklasan niya na isa na pala itong ganap na veterinarina ngayon pero sa kasamaang palad ay walang nakalagay na information kung saan ito nagtatrabaho. Hindi rin nakalagay sa profile nito ang current address nito bagkus ay ang provincial address lang. Bukod doon ay wala nang iba pang information na makikita sa bio nito. Wala ring kalaman-laman na larawan ang albums nito except for his display picture na private pa ang audience settings. "Hindi ka pa rin nagbabago, Benj, napakapribado mo pa rin."

She tapped the said picture, and suddenly, it zoomed out into the screen. Kalahati lang ng katawan ni Benj ang makikita sa picture. Nakasuot ito ng medical gown na may name plate kung saan nakalimbag ang pangalan nito: Dr. Joseph Benjamin Buencamino. Nakahalukipkip ito at bahagya lamang nakangiti. Hindi niya naiwasan na pagmasdan nang mabuti ang larawan. He got matured a little bit. Mayro'n itong kaunting stubble sa chin. Kapansin-pansin din na naging lean ang pangangatawan nito. But all in all, his hair, eyes, and skin—si Benj pa rin. Ang nag-iisang lalaking minahal niya throughout her college life. Napabuntong-hininga siya—she closed his display picture. Aalis na sana siya sa account nito nang matuon ang kaniyang paningin sa tab ng "add as friend". Hindi niya alam kung anong dumapo sa kaniya. Parang may sariling buhay ang kaniyang mga kamay na dinala niya sa naturang tab ang cursor.

"No, don't do this, Marifa," napapalunok na pagkausap niya sa kaniyang sarili. "Don't add him please..."

Dahan-dahan, sinubukan niyang ilayo ang cursor sa may tab ng "add as friend" nang biglang...

"Oh my goodness, ate!" bulalas ni Charina na bigla ang pagpasok sa may room. "Naiwan ko yung cell phone ko, ugh!"

"Ay, cell phone!" Sa sobrang pagkagulat, sa halip na tuluyang mailayo ang cursor sa naturang tab, nai-tap iyon ni Marifa. Nanlalaki ang mata na natutop niya ang sariling bibig pagkatapos. Pinagmasdan niya ang "add as friend" tab na ngayon ay "friend request sent" na ang nakalagay. "Shit! shit! Ugh!"

Sinubukan niyang i-cancel ang naturang request, pero sa kung anong dahilang hindi niya malaman, biglang nag-freeze ang screen. Hindi na iyon nagrerespond maski anong tap ang kaniyang gawin. Pinagkunutan siya ng noo ni Charina.

"Ate, bakit?" tanong nito sa kaniya habang isinisinop sa bag ang naiwang cell phone. "Anong problema?"

"Nag-hang yata yung laptop ko, Cha," frustrated na sabi niya habang patuloy pa rin ang pagclick. "Hindi nagrerespond kahit anong tap ang gawin ko, eh."

Lumapit si Charina sa kaniyang bed. Tiningnan ang screen ng kaniyang laptop. Nakita nito ang profile ni Benj.

"Joseph Benjamin Buencamino," pagbasa nito sa pangalang nakasulat sa taas ng account. "Sino 'yan, ate?"

"H-ha?" napalunok siya. Shit, she secretly cursed. Sa sobrang pagkataranta kung paano i-ka-cancel ang kaniyang friend request kay Benj ay nawala sa loob niya na ikubli iyon nang biglang lumapit si Charina. "W-wala... ano lang... na-i-tap ko lang."

Charina stared at her. Mayro'ng kakaibang ngiti ang nakasilay sa mga labi nito. Nahalata yata nito na nagsisinungaling siya.

"Okay, okay, he's an acquaintance of mine," napabuntong-hininga siya. "Now, please. Help me. Kailangan kong ma-i-cancel yung request ASAP bago pa niya makita 'yon."

Naupo si Charina sa kaniyang tabi. Sinubukan nitong i-refresh ang laptop pero hindi pa rin iyon nagbago. Nang ang mismong web page naman ang ni-refresh nito ay lumabas ang offline page.

"Uh-oh, mukhang pinatay na ni Mrs. Madrigal yung wifi nila," pagtukoy nito sa kanilang kapitbahay kung saan sila nakikisagap ng wifi. Kinuha nito ang cell phone nito. Ilang sandaling kinatikot iyon bago muling sumulyap sa kaniya. "Nako, wala na rin pala akong pang-mobile data, sorry ate."

Oh, shit.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now