Forty-two

1.1K 12 0
                                    

"BENJAMIN, have you prepared the requirements yet, hijo? The hospital badly wants to have you and they want you to start training to them as soon as possible. If your having any problem processing your papers there, do tell me, okay? I know people that can help you speeding up the process. God, I'm so excited to meet you here in States! Call me back when you get this message, okay? Take care."

Napabuntong-hininga si Benj pagkatapos marinig ang audio message na ipinadala sa kaniya ng kaniyang Tiyo Julian. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Lahat halos ng kaniyang kinausap tungkol sa bagay na iyon ay iisa ang sinasabi sa kaniya: He should grab the opportunity in an instant. But if he do, paano naman si Marifa? He doesn't want to break his promise to her.

"Anak, if you're going to ask me, I want you to take this opportunity. But, in the end, your choice is what really matters the most. Alam ko kung gaano kalaki ang isinakripisyo mo para lamang matupad mo ang pangako mo sa akin na magiging isang ganap na veterinarian ka, and really, you've made me so happy and proud when you did."

Napapikit siya nang maalala ang mga salitang iyon sa kaniya ng ama. Nang gabing banggitin nito sa kaniya ang tungkol sa magandang balita ng kaniyang Tiyo Julian ay nakita niya kung gaano ito ka-excited para sa kaniya. He loves his father so much and he always wanted to do the thing that makes him proud. Ayaw niyang ma-disappoint ito sa kaniya kaya naman naisip niyang kausapin ito at ipaliwanag rito ang lahat. That same night, they sat side by side like what they used to do during the troubles of his youth. Sinabi niya rito ang tungkol kay Marifa at ang kaniyang takot na kapag tinanggap niya ang oportunidad na iyon ay mawala na naman ito sa kaniya sa ikalawang pagkakataon. Hindi niya inasahan ang naging tugon nito sa kaniya.

"Kung ako ang inaalala mo ngayon, please don't. Dahil ngayong matagumpay ka na, ang gusto ko nalang ay maging masaya ka. Choose whatever that will make you happy, anak."

Nagmulat siya ng paningin at nangislap iyon sa labis na kagalakan. He's father was right. Dapat niyang piliin ang kung ano mang makakapagpasaya sa kaniya. Back then, pinili niyang ipagdamot sa sarili ang lahat ng bagay na sa tingin niya ay makakapagpasaya sa kaniya. Siguro naman ay panahon na ngayon para ang kung anong makakapagpasaya naman sa kaniya ang siyang piliin niya. Dinayal niya ang numero ni Marifa. Ring lang iyon nang ring ngunit hindi nito iyon sinasagot. Dinayal niya uli iyon nang dinayal hanggang sa mapabuga na lamang siya ng hangin. Why is she not answering his calls?

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now