Thirty-six

1.1K 12 1
                                    

"I HATE YOU!" ang bungad ni Marifa kay Jastin matapos siyang salubungin ng guilty na pagmumukha nito pagpasok niya sa opisina kinabukasan. Hindi siya totoong galit rito. Gusto niya lang itong i-good-time. Nakaismid na nagdire-diretso siya sa kaniyang cubicle pagkatapos.

"Sorry na, besh!" wika naman nito bago tarantang sumunod sa kaniya. "Hindi ko naman sinasadya ma-sightsung niya ako noong namimili ako ng lipstick sa night market, eh! Anong gagawin ng beauty ko, dibey? Umamin nalang akira!"

Padabog kunwari niyang inilapag ang kaniyang mga gamit sa may table saka salubong ang mga kilay na sinulyapan niya ito. Subalit nang makita niya ang aligagang mukha nito ay hindi niya na napigilan ang sarili na hindi matawa. Lumapit siya rito at niyakap ito.

"Thank you, besh!" sinserong sabi niya rito habang yakap ito nang mahigpit. "Kung hindi dahil sa beauty mo, malamang hindi nagkaroon ng next chapter yung lovestory namin ni Benj!"

"Ang arte mo, loka ka!" galit-galitan namang sabi nito ngunit tinugon pa rin ang kaniyang yakap. "Ewan ko ba naman kasi sa inyong dalawa. Halatang-halata naman na gusto n'yo pa rin ang isa't-isa pero taguan kayo nang taguan ng feelings! Anyway, I'm just glad na sa wakas ay may lovelife ka na rin, beshie!"

Natatawang kumalas na siya sa pagkakayakap rito. Kinayag niya ito palapit sa kaniyang table. Ibinigay niya ang mga pasalubong rito habang kinukuwentuhan niya ito ng mga nangyari noong magkasama sila ni Benj sa may symposium.

"Anyway, luluwas kami mamaya ng probinsiya para bisitahin ang alma mater namin. Doon ko na isasagawa yung interview sa kaniya. Saka, sabi niya, it would be our first official date, too." hindi niya naiwasang mapangiti sa huling tinuran. "God, I'm so excited!"

"Oo na, besh, ikaw nang may lovelife!" nakasimangot naman na sikmat nito sa kaniya. "Uwian mo nalang ako uli ng pasalubong para hindi na ako ma-bitter!"

She was too happy, she said yes.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now