Ten

1.5K 19 2
                                    

"ANO?" untag sa kaniya ni Jastin pagkatapos siya nitong ilibre ng dinner sa paborito niyang restaurant. "Bati na ba tayo?"

Nginusuan niya ito. Ilang araw na niya itong hindi pinapansin pagkatapos siyang ipahamak nito sa kanilang head. Nakonsensiya yata ito nang todo kaya agad siyang nilibre pagkatapos matanggap ang kanilang sahod.

"Ay, ang arte, girl ha!" bulalas nito saka siya pinagtaasan ng kilay. "Sige ka, kapag ako hindi mo pa ko pinansin, ipapaluwa ko sa'yo yung isang buong platong oysters na nilafang mo— with shells dapat."

Hindi na niya napigilan ang sarili. Nakatawang tinampal niya ito sa braso. Kahit kailan talaga ay havey ang mga banat nito.

"Oo na, sige na, bati na tayo!" sabi niya rito pagkuwan. "Pero, ipangako mo sa'kin, tutulungan mo akong ma-interview si Benj para doon sa article na isusulat ko ha!"

"Promise—" saad nito na itinaas pa ang kanang kamay. "Kahit na ahitin mo ang dalawang kilay ko."

Naiiling na tinawanan niya nalang ito. Pagkuwan ay napadaan sila sa isang night market. Kaagad na nagningning ang mga mata nito nang mamataan ang stalls ng make-up. Hindi niya ba alam kung bakit panay ang bili nito ng make-up gayong hindi naman nito nagagamit dahil hindi pa naman ito tuluyang naglaladlad.

"Kiber ko!" sabi nito nang tanungin niya. "Magagamit ko rin naman sila sa tamang panahon, anes?"

Nagtungo na ito sa naturang make-up stalls habang siya naman ay naiwang naglalakad-lakad sa may seaside. Kaya paborito niya ang restaurant na kinainan nila, bukod sa masarap na ang mga pagkain, it is located near the seaside. Gustong-gusto niyang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat pati na rin ang maalat na amoy nito. Na-re-relax ang kaniyang pakiramdam lalo na kapag mayro'ng mga bagay ang bumabagabag sa kaniya. Kagaya na lamang sa pagkakataong iyon—she was so anxious about her recent writing assignment. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa nahihiya siyang harapin si Benj pagkatapos siyang bastedin nito noon o dahil natatakot siyang baka maging daan lamang iyon upang manumbalik ang isang damdaming pinilit na niyang ibaon sa dibdib. Napabuntong-hininga siya—parang ayaw na niyang malaman ang sagot. Nagpatuloy siya sa mabagal na paglakad sa seaside habang nakatingin sa dagat—until she suddenly caught a glimpse of a familiar man in front of her. Noong una ay hindi niya kaagad ito nakilala at nilampasan niya lang. Subalit pagkatapos ng tatlong segundo ay napahinto siya sa paghakbang. Nanlambot bigla ang kaniyang mga tuhod na parang gulaman. Sigurado siyang si Benj iyon! Kahit na ayaw ng isip, tila ang sarili na rin niyang katawan ang gumawa ng paraan. Dahan-dahan siyang napapihit—and there she saw him in flesh—looking so freaking handsome and all.

"Marifa?" pukaw nito sa kaniya sa mababa nitong boses na ilang taon ding kinasabikan na muling marinig ng kaniyang tenga. "Hey, ikaw nga!"

Hindi siya makapagsalita. Ni hindi makagalaw. Pati paghinga niya at pagtibok ng puso niya ay mistulang bumilis. Gusto niyang sampalin ang sarili—baka sakaling panaginip lang iyon. Gusto niyang tumakbo at takasan ito. Gusto niyang magka-tsunami bigla para tumaas ang dagat at lamunin na lang siya ng alon pero sa huli ang tanging nagawa niya ay ngumiti.

"H-hi," nagkakandautal na bati niya rito. She could feel the soles of her feet burning from inside her doll shoes. "H-hi, Benj."

Benj smiled at her, and suddenly, pakiramdam niya ay bumalik siya sa kaniyang twenty-one-old self na mistulang nagkakaroon ng brain malfunction sa tuwing ngingitian nito. Damn it! she cursed to herself. Sa tinagal-tagal na panahon, hindi siya makapaniwalang pareho pa rin ang epekto sa kaniya ng presensiya ng lalaki.

"Wow, it's good to see you again," sabi nito sa kaniya saka humakbang nang kaunti para mapalapit sa kinatatayuan niya. "Kumusta ka na?"

"A-ako?" napalunok siya. Sa isang iglap, hindi lang ang sistema niya ang biglang nagkandagulo-gulo, kung hindi pati na rin ang kaniyang isip. Hindi niya malaman kung anong sasabihin rito. "O-okay naman ako,"

Napatango-tango si Benj. Ilang sandaling nakatingin lamang ito sa kaniya na tila ba nag-iisip ng iba pang sasabihin. Marifa felt suddenly conscious because of his stares—ipinaling niya sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.

"So, where are you going? Pauwi ka na ba?" pagkuwan ay tanong nito. "Do you need a ride home?"

"Oh, no, it's okay," ang mabilis namang pagtutol ni Marifa na iwinagwag pa ang dalawang kamay. "M-may kasama ako,"

Hindi alam ni Marifa kung imahinasyon niya lang pero parang may kung anong emosyon siyang nakitang dumaan sa mga mata nito pagkabanggit niya ritong may kasama siya.

"I see," sabi nito na napalunok at napatango-tango. "Is it your... boyfriend? I'm afraid to ask."

"Ha?" Anong pinagsasabi mo, Benj? ang gusto sana niyang idugtong kung hindi niya agad napigilan ang sarili. "B-boyfriend?"

"Yeah, yung nakita kong kasama mo sa fast food restaurant a few days ago," direkta namang tugon nito. "Oh, I forgot to mention about that—I'm sorry."

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napatango-tango. Kung gano'n, kagaya ng kaniyang hinala, nakita rin pala siya nito nang araw na iyon. But the most amusing part there is that—akala nito boyfriend niya si Jastin. Si Jastin? Boyfriend ko? gusto niyang matawa. Kung alam lang nito na mas babae pa sa kaniya ang inaakala nitong boyfriend niya. Itatama niya sana ang maling hinala nito ngunit napigilan siya nang may kung anong naisip. Kapag sinabi niya rito ang totoo na wala talaga silang relasyon ni Jastin ay para na rin niyang ibinuko rito ang depressing na estado ng buhay pag-ibig niya sa kasalukuyan. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa paningin nito sa ikalawang pagkakataon. Kung may gusto siyang mangyari ngayon ay ang ibangon ang imahe niya rito pagkatapos siya nitong bastedin noon.

"Y-yeah, you're right," tumatangong tugon niya rito pagkatapos ng ilang sandali. "I was with my... boyfriend."

Sa pagkakataon iyon ay sakto namang dumarating si Jastin. Pakendeng-kendeng ito sa paglakad habang bitbit ang isang paperbag. Napalunok siya—bago pa man siya nito tuluyang ibuko ay dali-dali niya itong hinila.

"Babe, nandiyan ka na pala!" ipinalupot niya ang kaniyang kamay sa may bewang nito at pasimpleng pinisil iyon. "Babe, si Benj nga pala—schoolmate ko."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora