Nine

1.5K 19 1
                                    

"WANNA hear something weird?" wika ni Arjay kina Benj at Crossby. "This writer from a certain magazine messaged me on facebook. Nanghihingi siya ng pahintulot na ma-interview ako. Gusto raw kasi nilang i-feature ako sa next month's issue ng magazine nila."

"Oh, tell me about it. Sa akin rin may nagpadala ng kaparehong message. I bet this has something to do doon sa nagviral nating picture sa facebook." saad naman ni Crossby na sinulyapan siya. "Do you received the same message, Benj?"

Subalit hindi kaagad iyon rumehistro sa pandinig ni Benj. Nakatutok ang kaniyang paningin sa kaniyang phone. Ilang raw na niyang paulit-ulit na binibisita ang profile ni Marifa. Hindi siya makapag-decide kung papadalhan niya ba ito ng mensahe o hindi. Nagkatinginan sina Arjay at Crossby.

"Benj?" kunot-noong pukaw ni Arjay sa binata na pinadaan pa ang palad sa harap ng mukha nito. "Hello? Earth to Benj?"

Nag-angat ng paningin si Benj na mistulang noon lamang natauhan. "I-I'm sorry?" sabi niya rito. "May sinasabi ba kayo?"

"We're talking about these two writers na nanghihingi ng pahintulot na mainterview kami." tugon ni Crossby sa kaniya. "Anyway, okay ka lang ba? You seemed disoriented."

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Benj. He wasn't sure if he wants to tell them the reason kung bakit disoriented siya. Sigurado kasing pag nalaman ng mga ito na babae ang dahilan kung bakit siya nagkakagano'n ay kakantiyawan lang siya ng mga ito.

"W-wala lang 'to," pag-iwas niya. "Iniisip ko lang yung target nating animal shelter next weekend—I heard karamihan sa mga aso doon ay severely abused."

"Oh, come on, p're!" lumapit sa kaniya si Arjay at inakbayan siya. "Alam namin na masipag ka pa sa di lang masipag pero matuto ka namang mag-relax kahit na kaunti. Veterinarian ka, okay? Hindi ikaw si Superman."

"Speaking of relax," susog naman ni Crossby na naupo sa kabilang gilid niya. "May alam kaming lugar nitong si Arjay kung saan puwede kang makapagrelax." pinagtaas-baba nito ang kilay habang nakatingin sa kaniya. "Ano? In ka ba?"

Nakangiting napailing-iling nalang siya. Kung hindi pa niya alam ay gigimik lamang ang mga ito. Isang bagay na wala siyang kahilig-hilig.

"Pass na muna ko, Crossby," sabi niya rito na may ibang partikular na lugar sa isip. "I think I'm just gonna go for a walk."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now