Forty-four

1.2K 11 0
                                    

"GOOD Job, Miss Silva!" ang papuri sa kaniya ng kaniyang head habang in-i-scan ang article na sinulat niya patungkol kay Benj. "I must say, noong una, hindi ko akalaing matatapos mo. Nakapasa na kasi ng first drafts ang ibang co-writers mo, pero ikaw, wala pa ring nasisimulan. But then again, you finished it anyway, so congrats! I just hope Dr. Buencamino didn't give you a hard time, eh?"

Oh, if you only knew! ang gusto sana niyang isagot rito pero pinigilan niya ang sarili. Sa huli ay isang matipid na ngiti lamang ang nagawa niyang itugon dito. Hindi niya makuhang maging masaya kahit pa nga ba hindi na nanganganib mawala sa kaniya ang kaniyang trabaho dahil nagawa niyang matapos ang kaniyang writing assignment. Paano siya magiging masaya gayong ang nanganganib namang mawala sa kaniya ngayon ay ang lalaking pinaglaaanan niya ng pagmamahal sa loob ng napakahabang panahon? Kung maibabalik niya lang ang mga oras, she should've just avoid him. She should've just refuse to take that writing assignment. She should've not gone with him to that symposium. Naiwasan niya sanang maipit sa sitwasyong iyon. Naiwasan niya sanang masaktan nang gano'n. Naiiyak na namang lumabas siya ng kanilang opisina. Hindi niya inaasahan na si Benj ang unang bubungad sa kaniya.

"Hey," ang salubong nito sa kaniya. Napatayo ito mula sa kinauupuan. He looks disheveled. Parang ilang araw na itong hindi nakakatulog. "Puwede ba tayong mag-usap?"

She stared back at him and that's when she knew that she can no longer avoid him. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumama rito. Nagtungo sila sa may seaside na paborito nilang puntahan madalas. Naupo sila sa isang bench na nakapaharap sa dagat saka pinagmasdan ang noo'y papalubog nang araw. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila subalit hindi rin nagtagal at nahalinhan iyon nang sunod-sunod na buntong-hininga.

"Hey, how are you?" pagkuwan ay pukaw nito sa kaniya. Ibinaling nito ang paningin sa kaniyang mukha. "I was calling you pero hindi ka sumasagot."

Napalunok si Marifa. God, why it has to be this hard? Wala pa man ay tila ba hindi na siya makahinga sa biglang paninikip ng dibdib.

"You? How are you?" pagbabalik-tanong niya rito nang makahanap na ng mga salita. "Do you have anything to say to me? Any news?"

Sa pagkakataong iyon ay hindi kaagad nagawang tumugon ni Benj. Muli nitong ibinaling ang paningin sa karagatan. Napabuntong-hininga siya, this could be it, naisip niya.

"I-I was offered a job in the States," pagkuwan ay pahayag nito. "It was my uncle. Nakiusap ako sa kaniya a few years back after I finished my course to help me find an employer there. And now, he did."

Sa ikalawang pagkakataon ay isang nakabibinging katahimikan uli ang namagitan sa kanilang dalawa. Marifa couldn't contain the pain congesting inside her chest. Pakiramdam niya anumang oras ay parang bomba na basta na lamang iyon sasabog.

"I-I think you should go," sa nanginginig na tinig ay sinabi niya rito. Lakas-loob na sinalubong niya ang paningin nito sa kauna-unahang pagkakataon. "You want this, right?"

Napabuga ng hangin si Benj. Kinuha nito ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay dinala nito sa kaniyang mukha. Direkta siyang tinitigan nito sa kaniyang mga mata pagkatapos.

"Hey, I want this but I want you more, okay?" sinserong wika nito. She could see pain in his eyes. Halatang hirap na hirap rin ang kalooban nito. "Hindi kita kayang iwan. And besides, I promised you, right? I want to keep that promise. I am choosing you."

Hindi na napigil ni Marifa ang kaniyang emosyon. Tuluyan nang pumatak pababa sa kaniyang pisngi ang pinipigilan niyang mga luha. Napapikit siya nang mariin. That's all she wants to hear—she wants him to choose her. Pero bakit gano'n? Hindi niya makuhang maging masaya. Hindi niya makuhang maging makasarili ngayon. Nagmulat siya ng paningin at hinawakan niya ang mga kamay nito.

"Listen, I don't want you to choose, okay? I'm telling you, you should go. You should not let this opportunity be wasted." umiiyak na sabi niya rito. "Mahal kita, Benj, but I can't be that selfish. I know that you have dreams at ayokong ako ang maging dahilan para hindi matupad ang mga iyon. I want you to fulfill all of them, so please, just forget about me and go."

"No, please don't sa'y that," umiiling na pahayag nito. Kinabig siya nito. He rested his forehead into her own. "Hindi ko gustong iwan ka, okay? At lalong hindi ko gustong kalimutan ka. I want to be with you each day of every year, and if it's going to cost my dreams, then be it. Mas mahalaga ka sa akin. Mas mahalaga sa akin ang makasama ka, okay?"

Lalo siyang naiyak sa narinig na tinuran nito. God, why he would not make this easy for the both of them? Kumalas siya mula sa pagkakahawak nito. Buo na ang kaniyang desisyon. He wants him to fulfill his dreams even if that means she have to let him go.

"J-just stop, Benj! Let's just stop this, okay! Don't make this any more hard!" matigas na pahayag niya. "Just go or both lose me and this opportunity!"

"W-what are you talking about?" hindi makapaniwalang bulalas nito. "A-are you breaking up with me? Even if I chose you?"

Napapikit uli siya nang mariin. She tried holding back her tears pero hindi niya magawa. Umiiyak na tinitigan niya ito.

"I-I'm sorry, Benj," ang sa huli ay tanging nasabi niya rito. "I'm really, really sorry." aniya at tuluyan na itong tinalikuran.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz