Twenty-nine

1.2K 14 1
                                    

PINAGMASDAN ni Marifa ang kaniyang kamay—ang kaniyang kamay na buong araw hinawakan ni Benj. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong gawin iyon pero mas hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan niya lang ito. Hindi ba at pangako niya sa sarili na susupilin niya ang feelings niya para rito pero bakit tila kabaligtaran ang nangyayari? Naalala niya kung paanong walang ka-effort-effort nitong nagawang palaganapin ang pamilyar na damdaming pilit niyang iwinawaksi sa sarili kanina. Napabuntong-hininga siya saka niya pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin at nang makaramdam ng frustration ay isinampal niya sa sarili ang kamay niyang hinawakan nito. Sinasabi na nga ba niya at wala talagang maayos na idudulot sa kaniya ang pagsama rito sa naturang symposium. Natigilan siya sa pagmumuryot nang makaramdam siya ng kaluskos sa may labas ng banyo—tanda na nasa room na si Benj. Bigla ang paglaganap ng kaba sa kaniyang dibdib. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya at nakita niya itong nakaupo sa kabilang kama at nakaharap sa may laptop nito. Hindi niya inaasahan ang paglingon nito sa kaniya. Nagsalubong tuloy ang kanilang mga mata.

"Um," napalunok siya. She wants to justify the fact that he once again caught her staring at him ngunit mistulang nagmalfunction na naman ang kaniyang utaak. Wala siyang kahit na anong maisip na idadahilan rito. "A-ano, um, yung ano—"

"It's okay," pagkuwan ay nakangiting sabi nito. "You can turn off the lights kung gusto mo nang matulog."

Lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi pa naman talaga niya gustong patayin ang mga ilaw pero sa kawalan ng sasabihin ay sumunod nalang siya. Pinatay niya ang mga ilaw at sinindihan niya ang lampshade na nakapagitan sa kanilang mga kama. Nahiga na siya pagkatapos pero pakiramdam niya ay buhay na buhay ang bawat himaymay ng kaniyang laman. Ilang sandaling nakatulala siya sa may kisame ngunit hindi naglaon at hindi na uli niya napigilan ang sarili na sulyapan ito—and so she did. He looks even more charming beneath the frail light of the lampshade and his laptop. Suddenly, she felt intoxicated by his charm and her many memories of him—both happy and sad.

"Benj, bakit?" ang wala sa loob niyang naisatinig di kalaunan. "Why did you turned me down back then?"

Natigilan si Benj sa kaniyang ginagawa nang marinig iyon. Napasulyap siya kay Marifa na nakatagilid ng higa sa kama nito at titig na titig sa kaniya. Sa malamlam na liwanag ng lampshade ay tanaw na tanaw niya ang nangingislap na luha sa gilid ng mga mata nito.

"Oh, god, what am I saying," ang ipinahayag ng dalaga bago pa man niya tuluyang maibuka ang kaniyang bibig para sumagot. Pinahiran nito ang namuong luha sa gilid ng mga mata gamit ang likod ng kamay. "Huwag mo akong pansinin. Just do what you need to do. Good night."

Tumalikod na ito sa kaniya saka nagtalukbong ng kumot. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang napapalunok na pagmasdan ito. Oh, god, what did he ever do? Paano niya ito nagawang saktan?

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now